NAGBUKAS na ang 2010 Cinemalaya Independent Film Festival noong Biyernes sa lobby ng Main Theater ng Cultural Center of the Philippines sa Pasay City.
Pag-akyat pa lang namin ng PRO ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit na si Elmar Ingles sa sementong akyatan patungo sa Main Theater ay nagdiriwang na ang mga tao.
Ang mga bantay ay nagbigay-galang kay Elmar dahil kilala siya sa daigdig ng pamamahala ng kultura sa bansa na binabantayan at iniikutan ng mga sekyu at marshall may okasyon man o wala.
Sa front ramp ng CCP ay nandoon ang Philippine Philharmonic Orchestra at handa nang bumanat ng kanilang musika pero hindi pa nila oras para sa pagpailanglang dahil may programa pa sa lobby.
Nandoon si Gab Mercado, ang commercial model ng Yakult at ang kanyang mga kasamahan na isang bading at isang babaing maganda na hindi pa pamilyar ang pangalan sa balana.
Ayon sa peryodistang pampelikula na si Ibarra Mateo, “allegedly she’s a newcomer.”
***
Naglalagablab ang signage ng logo ng Cinemalaya sa may bubungan ng CCP at talagang parang piyesta ang kapaligiran.
May mga nangagbitin na tarpaulin ng bagong poster ng ika-6 na Cinemalaya sa mga poste sa bawat kanto ng kapaligiran ng CCP Complex na parang sa pista sa barangay sa ating mga kapitbahay kaya lang nga ay kokonti ang mga bahay sa paligid ng CCP at malalaki ang mga komersyal at institusyunal na establisimiyento rito tulad ng Traders Hotel, Legaspi Towers, Philippine Navy, Central of the Philippines.
Masaya ang kapaligiran sa Cinemalaya lalo na ang auction o subasta ng mga props o kostyum na ginamit sa mga nakaraang obra ng Cinemalaya.
Aba, kahit na isang libong piso ang halaga ng lilok na diyos ng Ifugao na ginamit sa pelikulang “Battad” ni Benjie Garcia ay may pumatol at bumili nito.
At may ipinagbili ring picture frame na nakalagay ang larawan ni Caridad Sanchez.
Pati na ang mga wig na ginamit sa iba’t ibang shoot ay nandoon din.
***
Pagkatapos ng subastahan ay nagtanghal na ang PPO at ang mga mananayaw ng Ballet Philippines sa saliw ng musika para sa dulang “Alitaptap (Fireflies)” na ang mga ballet dancer ay nakadamit na parang tabas-insekto o alitaptap.
Isang makabagong pagtatanghal ang ginamit na estilo ng palabas kung saan ang orkestra nga ay nasa labas, sa may rampa samantalang nasa may bangketa na malapit sa pasukan ng main entrance ng CCP at doon sila umiindak.
Nakasara ang mga pintuan pero bubog at salamin naman ang naghihiwalay sa mga manonood kaya nakikita at nasisilayan ng mga bisita na nakaupo sa lobby.
Siyempre’y maririnig ang musika at makikita ang mga mananayaw pero hindi tulad sa ordinaryong tanghalan na walang nakakaharang na bakal ng salamin.
Ibang klase pero tinarayan ito ni Ibarra at sinabi niyang dapat ay doon na lang sa loob ng lobby, sa harapan ng mga panauhin pero maaaring ang inisip ng CCP ay masikip pa rin ang espasyo kaya sa labas na nila pinasayaw ang mga taga-BP.
***
Pinangunahan ni Isabel Caro Wilson ang pagdiriwang kasama ang mga namumuno ng Cinemalaya at CCP—Raul Sunico bilang kanyang Artistic Director, Laurice Guillen bilang Competition Director, Nestor Jardin bilang Festival Director at Tony Boy Cojuangco bilang Cinemalaya Foundation Chairman.
Dinaluhan ang pagbubukas ng Cinemalaya nina Ina Feleo, John Arcilla, Maan Hontiveros, Alvin Anson, Boots Anson Roa, Gil Portes, Carlitos Siguion-Reyna, Digna Santiago, Lally Suzara, Romalito Mallari, Sue Prado at marami pang iba.
May mga peryodistang pampelikula rin kabilang sina Cesar Evangelista, Ronald Carballo, Bibsy Carballo, Art Tapalla, Dennis Adobas, William Reyes, Linda Cabuhayan, Alice Vergara, Bayani San Diego at marami pang iba.
Nandoon din si Emily Abrera at si Dr. Bienvenido Lumbera at ang marami pang nagmamahal sa showbiz.
***
Taliwas sa sinasabi ng iba, maganda ang “Ganap na Babae,” ang pelikulng idinirek nina Ellen Ramos, Rica Arevalo at Sarah Garcia.
Kaya lang ay paputul-putol ang pelikula dahil ani Will Fredo, ang prodyuser ng Hubo Productions ay may kinalaman sa makinang ginamit sa pagpapaandar ng DVD sa CCP.
Kaya nga nainis si Rica, sabi ni Dennis Adobas.
Humihingi naman ng pasensiya si Will at ang babaing prodyuser.
Star Patrol (for Saksi, July 14, 2010)
Boy Villasanta
Masama ang loob ng isang direktora ng “Ganap na Babae” dahil sa pagtigil-tigil ng showing ng pelikula sa 6thCinemalaya
MARAMI ang naintriga sa pelikulang “Ganap na Babae” ng Hubo Productions ni Will Fredo kaya naman nang iiskedyul ito bilang opening film sa pagbubukas ng ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival sa Cultural Center of the Philippines noong Biyernes ay inabangan na agad ito ng mga tao.
Pumila silang lahat para sa “Ganap na Babae” para husgahan kung pangit ito o hindi.
Pinangungunahan nina Mercedes Cabral, Sue Prado at Boots Anson Roa ang obra ng pinagtulung-tulungang idirek nina Rica Arevalo, Sarah Garcia at Ellen Ramos.
Si Ellen Ramos na humiwalay muna sandali sa tambalan nila sa pagdidirek ni Paolo Villaluna.
Sa totoo lang, nagandahan kami sa “Ganap na Babae” dahil ito ay kaiba ang estilo sa paggawa na hinalaw sa pamamaraan ng pelikulang “Babel” na tatlong istorya pero pinagtagni-tagni at nagkaroon ng parang kaisahan sa paglalahad ng tatlong kabanata o episode pero hindi hiwa-hiwalay na ginawa kundi iisa lamang.
***
Kaya lamang ay sumama ang loob ni Rica sa nangyaring teknikal na kapalpakan sa makina ng pagpapalabas ng pelikula.
Ang computer na ginamit ay hindi makapagpatuloy ng pagbubuga ng mga imahen sa puting tabing kundi papatul-putol ang pagtatanghal nito kaya maraming nainis.
Pero hindi naman sa ganito sinusukat ang ganda at sama ng pelikula kundi sa kabuuang pagkakagawa kabilang ang naratibo at ang mga iba pang elemento ng pelikula.
Humihingi naman ng paumanhin si Arevalo at si Will Fredo na siyang Chief Executive Officer ng Hubo Productions, ang kumpanya ng pelikula.
***
Sa pagbubukas ng 2010 Cinemalaya sa lobby ng Main Theater ng Cultural Center of the Philippines sa Pasay City, maraming eksena.
Pag-akyat pa lang namin ng PRO ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit na si Elmar Ingles sa sementong akyatan patungo sa Main Theater ay nagdiriwang na ang mga tao.
Ang mga bantay ay nagbigay-galang kay Elmar dahil kilala siya sa daigdig ng pamamahala ng kultura sa bansa na binabantayan at iniikutan ng mga sekyu at marshall may okasyon man o wala.
Sa front ramp ng CCP ay nandoon ang Philippine Philharmonic Orchestra at handa nang bumanat ng kanilang musika pero hindi pa nila oras para sa pagpailanglang dahil may programa pa sa lobby.
Nandoon si Gab Mercado, ang commercial model ng Yakult at ang kanyang mga kasamahan na isang bading at isang babaing maganda na hindi pa pamilyar ang pangalan sa balana.
Ayon sa peryodistang pampelikula na si Ibarra Mateo, “allegedly she’s a newcomer.”
***
Naglalagablab ang signage ng logo ng Cinemalaya sa may bubungan ng CCP at talagang parang piyesta ang kapaligiran.
May mga nangagbitin na tarpaulin ng bagong poster ng ika-6 na Cinemalaya sa mga poste sa bawat kanto ng kapaligiran ng CCP Complex na parang sa pista sa barangay sa ating mga kapitbahay kaya lang nga ay kokonti ang mga bahay sa paligid ng CCP at malalaki ang mga komersyal at institusyunal na establisimiyento rito tulad ng Traders Hotel, Legaspi Towers, Philippine Navy, Central of the Philippines.
Masaya ang kapaligiran sa Cinemalaya lalo na ang auction o subasta ng mga props o kostyum na ginamit sa mga nakaraang obra ng Cinemalaya.
Aba, kahit na isang libong piso ang halaga ng lilok na diyos ng Ifugao na ginamit sa pelikulang “Battad” ni Benjie Garcia ay may pumatol at bumili nito.
At may ipinagbili ring picture frame na nakalagay ang larawan ni Caridad Sanchez.
Pati na ang mga wig na ginamit sa iba’t ibang shoot ay nandoon din.
***
Pagkatapos ng subastahan ay nagtanghal na ang PPO at ang mga mananayaw ng Ballet Philippines sa saliw ng musika para sa dulang “Alitaptap (Fireflies)” na ang mga ballet dancer ay nakadamit na parang tabas-hugis-insekto o alitaptap.
Isang makabagong pagtatanghal ang ginamit na estilo ng palabas kung saan ang orkestra nga ay nasa labas, sa may rampa samantalang nasa may bangketa na malapit sa pasukan ng main entrance ng CCP at doon sila umiindak.
Nakasara ang mga pintuan pero bubog at salamin naman ang naghihiwalay sa mga manonood kaya nakikita at nasisilayan ng mga bisita na nakaupo sa lobby.
Siyempre’y maririnig ang musika at makikita ang mga mananayaw pero hindi tulad sa ordinaryong tanghalan na walang nakakaharang na bakal ng salamin.
Ibang klase pero tinarayan ito ni Ibarra at sinabi niyang dapat ay doon na lang sa loob ng lobby, sa harapan ng mga panauhin pero maaaring ang inisip ng CCP ay masikip pa rin ang espasyo kaya sa labas na nila pinasayaw ang mga taga-BP.
***
Pinangunahan ni Isabel Caro Wilson ang pagdiriwang kasama ang mga namumuno ng Cinemalaya at CCP—Raul Sunico bilang kanyang Artistic Director, Laurice Guillen bilang Competition Director, Nestor Jardin bilang Festival Director at Tony Boy Cojuangco bilang Cinemalaya Foundation Chairman.
Dinaluhan ang pagbubukas ng Cinemalaya nina Joel Lamangan, Dan Villages, Joselito Altarejos, Mario O’Hara, Ina Feleo, John Arcilla, Maan Hontiveros, Alvin Anson, Boots, Gil Portes, Carlitos Siguion-Reyna, Digna Santiago, Lally Suzara, Romalito Mallari, Sue Prado at marami pang iba.
May mga peryodistang pampelikula rin kabilang sina Cesar Evangelista, Ronald Carballo, Bibsy Carballo, Art Tapalla, Dennis Adobas, William Reyes, Linda Cabuhayan, Alice Vergara, Bayani San Diego at marami pang iba.
Nandoon din si Emily Abrera at si Dr. Bienvenido Lumbera at ang marami pang nagmamahal sa showbiz.
No comments:
Post a Comment