TULAD ng mga Noranians ni Nora Aunor, malulupit din ang mga Vilmanians ni Vilma Santos.
Kasi nga’y laging malalaking puwersa ang mga hukbo ng mga tagahanga.
Dahil mahahalaga ang mga tagahanga sa buhay ng mga artista.
Ang mga tagahanga ang merkado ng mga artista bilang mga indibidwal na produkto bukod pa sa sila ang mga mamimili ng mga pelikula o TV show o musika o plaka ng mga artista na mga produkto rin sa mas maramihang pinagsasaluhan at pinagsasamahan ng mga kasali, halimbawa’y sa pagganap nila sa pelikula at telebisyon.
Pero kailangang hindi ipagyayabang ng mga tagahanga na sila ang bumubuhay at tumatangkilik sa mga artista dahil una ay masama ang mayabang na pansarili lang o kaya’y kayabangang nakakasakit.
Ang pinakamahalagang papel ng mga tagahanga ay tumangkilik sa magagandang ginagawa ng mga artista para umunlad ang ating buhay sa lipunang ito.
***
Kaya nga kailangan ding pag-aralan kung ang kasalukuyang pagbo-boycott ng mga Vilmanians sa isa sa mga finalist ng “Pilipinas Got Talent” ng ABS-CBN na si Jovit Baldovino ay makatarungan.
Bagamat may text message na si Willie Fernandez, isa sa masusugid na tagahanga ni Santos at dating aktibong peryodistang pampelikula pero nagkasakit siya at kasalukuyang nagbabakasyon sa General Santos City sa Mindanao.
Narito ang kumpletong SMS na mensahe ni Willie kaugnay sa boycott.
“Jovit Baldovino na finalist ng PGT ay iboboycott ng vilmanians. Dati cya ang kumakanta sa campaign sorties n ate vi pero nasilaw sa mas malaking Tf na offer ng klaban na c edna sanchez. instead c markki at velasco brothers ang cnusuportahan ng vilmanians.”
***
Samantala, umalis si Vi kamakailan patungong Estados Unidos para makapagpahinga at makapamasyal sa ibang bansa pagkatapos ng malawakan at nakakapagod na kampanya bago ang eleksyon noong ika-10 ng Mayo, 2010.
Kandidatong muli sa pagkagobernadora si Baby Vi sa Batangas City at nanalo muli siya.
Bale regalo ito ni Vilma Santos-Recto sa kanyang sarili at sa mga mahal niya sa buhay.
Kasamang lumipad ng aktres ang kanyang asawang kahahalal lang na senador na si Ralph Recto at ang anak nilang si Ryan Christian.
Gayundin, hindi nawala sa entourage si Emelyn Santos na kapatid ni Vi at kanyang kanang-kamay sa mga gawaing panglahat.
Ang utol na lalaki ni Vi, si Sonny Boy Santos ay kasama rin sa paglalakbay.
Si Aida Fandialan, ang matagal nang kawaksi ni Vilma na pumapapel ding sekretarya at tagapayong personal ng bituin, ay kasama rin sa biyahe.
Sa kina Winnie Santos, ang bunsong Santos at dating batang aktres na naugnay sa kapatid na bunso ni Nora Aunor na si Eddie Boy Villamayor at napangasawa ni Bong Morales, titira sina Vi.
***
Pinuri naman ni Kris Aquino si Santos sa pagiging kapani-paniwala nitong tagapag-endorso ng isang presidential candidate sa katauhan ng kanyang kapatid na si Benigno Aquino III na ngayon ay nangunguna sa bilangan sa pagkapangulo ng bansa.
Na-touch na naman ang mga Vilmanians sa papuring ito ni Kris sa kanilang idolo.
Star Patrol (for Saksi, June 8, 2010)
Boy Villasanta
“Jovit Baldovino ng ‘Pilipinas Got Talent,’ ibino-boycott ng Vilmanians”
-Willie Fernandez
GAANO katatag at kaimportante ang mga tagahanga ng mga artista sa lipunang Filipino?
Napakahalaga nila.
Kaya nga nang sabihin ng isa sa mga makapangyarihang Noranian na si Tess de Vera na huwag na siyang isulat sa mga lathalain namin kaugnay si Nora Aunor ay hindi ako pumayag dahil importante ang bawat isa sa atin sa lipunang ito.
Importante ang bawat isa sa atin sa paghanga sa mga artista.
Sabi ni Tess, simple lang siyang tagahanga pero ang kasimplehang ‘yon ang nagbibigay ng lalim at lawak sa bawat tagahanga kaugnay sa buhay ng kanilang mga idolo.
Walang mga artista kung walang tagahanga at walang tagahanga kung walang artista.
Ang mga tagahanga ay merkado.
Ang mga tagahanga ang tagatangkilik at tagabili ng mga artista bilang produkto.
At ang artista ay bahagi ng isang mas malaking produkto halimbawa’y ng pelikula at TV show o CD o record album at ang mga tagahanga ang mamimili ng mga ito.
Kaya paano sasabihing simple lang ang isang de Vera?
***
Malulupit ang mga tagahanga.
Kung ang mga Noranians ni Nora ay makapangyarihan, makapangyarihan din ang mga Vilmanians ni Vilma Santos.
At napatunayan muli nila ito nang ipangalandakan nila, sa pamamagitan ng isa pang masugid na tagasunod ni Vilma na si Willie Fernandez na ibino-boycott nila ang mahusay na batambatang mang-aawit na si Jovit Baldovino na nagpaiyak kay Ai Ai de las Alas sa “Pilipinas Got Talent” ng ABS-CBN kamakailan.
Narito ang kumpletong SMS na mensahe ni Willie kaugnay sa hakbang ng mga Vilmanians:
“Jovit Baldovino na finalist ng PGT ay iboboycott ng vilmanians. Dati cya ang kumakanta sa campaign sorties n ate vi pero nasilaw sa mas malaking Tf na offer ng klaban na c edna sanchez. instead c markki at velasco brothers ang cnusuportahan ng vilmanians.”
Hanggang ngayon, aktibung-aktibo si Fernandez sa showbiz kahit na siya ay nasa General Santos City sa Mindanao.
Alam na alam niya ang lahat ng kaganapan sa Kamaynilaan at sa balat ng showbiz.
Dating nagsusulat sa mga pahayagan at magasin si Willie pero siya ay nagkasakit kaya kailangang pumunta siya sa lalawigan at magpahinga pero nakikisalamuha siya sa kaganapan sa showbiz dahil ang daigdig naman ngayon ay paliit na nang paliit nang dahil sa telekomunikasyon.
Nakakarating na kahit saan ang isip at puso ng isang tao kahit nasaan man siya.
***
Pero ang mga fans nga ay kailangang hindi mayabang o kahit na ang mga artista mismo.
Dahil una na nga, ang kayabangang masama ay hindi mabuti at kasalanan pero kung ang kayabangan ay para makapagsilbi at makapag-adya sa higit na nakararami para sa katarungan, kapayapaan, kalayaan, katotohanan, ang kayabangan ay maaaring ituring na mahalaga sa pagbabago ng isang tao o ng lipunan.
Ang pagboycott kay Jovit ng mga Vilmanians ay isang malalim at malawak na talakayan kaya kailangan ding pagtuunan ng pansin at balitaktakan ng mga mamamayan dahil nakasalalay ito sa ating pangkalahatang buhay.
***
Samantala, umalis si Vi kamakailan patungong Estados Unidos para makapagpahinga at makapamasyal sa ibang bansa pagkatapos ng malawakan at nakakapagod na kampanya bago ang eleksyon noong ika-10 ng Mayo, 2010.
Kandidatong muli sa pagkagobernadora si Baby Vi sa Batangas City at nanalo muli siya.
Bale regalo ito ni Vilma Santos-Recto sa kanyang sarili at sa mga mahal niya sa buhay.
Kasamang lumipad ng aktres ang kanyang asawang kahahalal lang na senador na si Ralph Recto at ang anak nilang si Ryan Christian.
Gayundin, hindi nawala sa entourage si Emelyn Santos na kapatid ni Vi at kanyang kanang-kamay sa mga gawaing panglahat.
Ang utol na lalaki ni Vi, si Sonny Boy Santos ay kasama rin sa paglalakbay.
Si Aida Fandialan, ang matagal nang kawaksi ni Vilma na pumapapel ding sekretarya at tagapayong personal ng bituin, ay kasama rin sa biyahe.
Sa kina Winnie Santos, ang bunsong Santos at dating batang aktres na naugnay sa kapatid na bunso ni Nora Aunor na si Eddie Boy Villamayor at napangasawa ni Bong Morales, titira sina Vi.
***
Pinuri naman ni Kris Aquino si Santos sa pagiging kapani-paniwala nitong tagapag-endorso ng isang presidential candidate sa katauhan ng kanyang kapatid na si Benigno Aquino III na ngayon ay nangunguna sa bilangan sa pagkapangulo ng bansa.
Na-touch na naman ang mga Vilmanians sa papuring ito ni Kris sa kanilang idolo.
ikaw mr villasanta ,pwede ba manahimik ka na lang ,ingit ka lang kay Jovit
ReplyDeleteat kayong mga Vilmanians mamatay kayo sa ingit ,pero wala ring nagawa ang pang boboycott nio.mga ingetero at ingetera,letse kayo
ReplyDelete