Sunday, June 20, 2010

LJ Moreno, tuloy ang kasal sa August 19, 2010

HARANGAN man ng sibat, tuloy na tuloy na ang kasal nina LJ Moreno, Lari Jeanne Lacsamana Ricafort sa tunay na buhay at Jimmy Alapag.

Aba, at si Jimmy Alapag ay talagang seryoso na.

Si Jimmy Alapag, sino pa, kundi si Jimmy Alapag na basketbolista.

Si Jimmy Alapag na mahusay na manlalaro ng Talk N’ Text na isa sa mga koponan sa Philippine Basketball Association o PBA.

Heto nga at ito na ang pagsasanib muli ng bola at artista.

Sa ika-19 ng Agosto, 2010 ang kasal sa simbahan nina LJ at Jimmy.

Sina LJ at Jimmy na tunay na nagmamahalan sa buhay na ito.

***

Gayunman, hindi sa Pilipinas magpapatali ng mga puso sina Moreno at Alapag kundi sa Laguna Beach Orange Country California sa Estados Unidos.

Kasi nga’y Fil-Am at taga-California si Jimmy at nandoon ang kanyang pamilya.

Gayundin, nandoon na ang ama’t ina ni LJ kaya naman malakas ang loob ng batang aktres na sa ibang bansa na siya magpatali ng puso para ibang klase nama.

Tulad rin siya ng mga personalidad natin sa Pilipinas na mas gustong sa ibayong-dagat pa magpabasbas sa simbahan tulad nina Angelique Lazo at Ramon Mayuga, Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz at marami pang iba.

Matagal nang pangarap ni LJ na siya ay maglakad sa altar ng ibang nasyon dahil nakapagdaragdag ng panibagong pananabik.

***

Nagkabalikan lang sina Moreno at Alapag noong isang taon nang magkita silang muli sa kasal ng Viva Hot Babe na si Sarah Mayer.

Aba’t ang mga basketbolista ay nagkalat din sa seremony ang seksing aktres na si Sarah at nandoon si LJ na kaibigan ng bituin ng Viva Entertainment.

Mahihilig talaga sa magaganda at taga-showbiz ang mga basketball players na mga macho at magagandang lalaki dahil kahit na pangkaraniwan lang ang mukha nila ay nakakadagdag ang pagiging atleta nila sa kanilang kaguwapuhan.

Ayon kay LJ, matagal na silang nagkalayo ni Jimmy.

***

Sa mga nakaraang panayam kay Moreno, sinabi niyang nakipag-break muna siya kay Jimmy noong 2008 dahil sa kapilyuhan ng basketbolista sa babae.

May babae umano si Alapag ng mga panahong ‘yon na natuklasan ni LJ kaya hindi naghintay pa ng pagkakataon at nagkipakalas ang batang bituin sa beteranong basketball player.

Nagkakilala at nagkaroon ng relasyon sina LJ at Jimmy noong 2003 kaya naman masasabing matagal na silang magkasintahan.

Sila ay larawan ng perpektong magkatipan pero ang mga puwersa sa labas at kahit na sa loob o internal ay mapaglaro.

***

Hindi naman nagmamadali si LJ na makarating sa Amerika dahil anya’y “may wedding planner naman kami sa Amerika kaya may nag-aasikaso naman sa kasal namin.”

Lagi ngayong magkasama ang magkasintahan kaya naman hindi nawawala ang kaligayahan sa puso ng bawat isa.

“Maganda ang performance ng Talk N’ Text ngayon kaya mas maganda,” wika ni LJ na inspiradung-inspirado sa kanyang mga ginagawa ngayon.

May dalawang pelikula siya ngayon, ang “Faculty” ni Jerrold Tarog at “Vox Populi” ni Dennis Marasigan.

Ang “Vox Populi” ay mula sa ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival sa ika-9 ng Hulyo.

Ayon kay Moreno, hindi siya aalis sa showbiz kahit siya ay may asawa na.

Star Patrol (for Saksi, June 20, 2010)

Boy Villasanta

LJ Moreno at PBA player Jimmy Alapag, ikakasal nang tuluyan sa August 20, 2010

ILANG araw na lang at si LJ Moreno ay magiging Lari Jeanne o Jean Lacsamana Ricafort Alapag na dahil ipagkakaloob na niya ang kanyang katawan at kaluluwa kay Jimmy Alapag, isa sa mga pangunahing manlalaro ng Philippine Basketball Association o PBA sa koponan ng Talk N’ Text.

Isang Fil-Am na basketbolista si Jimmy at talagang hinahangaan siya ng mga manonood ng basketball at mga naglalaro at sumasaksi sa larong ito sa telebisyon man o sa live na tunggalian.

Nagkakilala sina LJ at Jimmy sa isang sosyalan noong 2003 at mula noon ay naging inspirado na ang dalawa sa pag-iibigan.

Bagay na bagay nga naman ang dalawang nilalang na ito na kapwa matangkad at celebrity ang dating.

***

Sa ika-19 ng Agosto, 2010 ay haharap na sa dambana sina Moreno at Alapag sa Laguna Beach Orange County California.

Ito talaga ang lugar noong isang taon pa nais na nina LJ at Jimmy na sila ay pagbigkisin ng simabahan ang kanilang mga puso.

Tagarito si Jimmy kaya naman hindi na siya kailangan pang maghanap ng angkop na lunan para maidaos ang mahalagang araw sa kanyang buhay dahil mananatiling malapit sa kanyang puso ang lugar na ito.

Samantala, ang mga magulang ni LJ ay nasa bahagi rin ‘yon ng Estados Unidos.

Papunta-punta na lang doon ang mga anak nila kabilang si LJ at si Francis Ricafort.

***

Nagkabalikan lang sina Moreno at Alapag noong isang taon nang magkita silang muli sa kasal ng Viva Hot Babe na si Sarah Mayer.

Aba’t ang mga basketbolista ay nagkalat din sa seremony ang seksing aktres na si Sarah at nandoon si LJ na kaibigan ng bituin ng Viva Entertainment.

Mahihilig talaga sa magaganda at taga-showbiz ang mga basketball players na mga macho at magagandang lalaki dahil kahit na pangkaraniwan lang ang mukha nila ay nakakadagdag ang pagiging atleta nila sa kanilang kaguwapuhan.

Ayon kay LJ, matagal na silang nagkalayo ni Jimmy.

***

Sa mga nakaraang panayam kay Moreno, sinabi niyang nakipag-break muna siya kay Jimmy noong 2008 dahil sa kapilyuhan ng basketbolista sa babae.

May babae umano si Alapag ng mga panahong ‘yon na natuklasan ni LJ kaya hindi naghintay pa ng pagkakataon at nagkipakalas ang batang bituin sa beteranong basketball player.

Nagkakilala at nagkaroon ng relasyon sina LJ at Jimmy noong 2003 kaya naman masasabing matagal na silang magkasintahan.

Sila ay larawan ng perpektong magkatipan pero ang mga puwersa sa labas at kahit na sa loob o internal ay mapaglaro.

***

Hindi naman nagmamadali si LJ na makarating sa Amerika dahil anya’y “may wedding planner naman kami sa Amerika kaya may nag-aasikaso naman sa kasal namin.”

Lagi ngayong magkasama ang magkasintahan kaya naman hindi nawawala ang kaligayahan sa puso ng bawat isa.

“Maganda ang performance ng Talk N’ Text ngayon kaya mas maganda,” wika ni LJ na inspiradung-inspirado sa kanyang mga ginagawa ngayon.

May dalawang pelikula siya ngayon, ang “Faculty” ni Jerrold Tarog at “Vox Populi” ni Dennis Marasigan.

Ang “Vox Populi” ay mula sa ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival sa ika-9 ng Hulyo.

Ayon kay Moreno, hindi siya aalis sa showbiz kahit siya ay may asawa na.

No comments:

Post a Comment