Tuesday, June 22, 2010

Filipina actress, muntik magahasa sa Hong Kong

MARAMI pang mga artista sa buong Pilipinas na dapat makilala at malaman ng publiko na nand’yan lang at nagpapasaya sa mga tao.

Isa na rito si Chanel Latorre.

Chanel Latorre, sino ‘yon?

Aba, kailangan ding malaman ninyo na may nabubuhay na isang Filipinang aktres na nagngangalang Channel Latorre dahil hindi lang sina Marian Rivera, Gloria Romero, Bea Alonzo, Nora Aunor, Maricel Soriano, Susan Roces, Amalia Fuentes, Rhian Ramos, Sharon Cuneta, Jennylyn Mercado o kaya’y Vilma Santos at marami pang iba ang mga artistang babae sa Pilipinas.

May Chanel Latorre rin.

At maganda ang kanyang ipinapakitang impluwensiya sa kapwa niya mga Filipino sa buong mundo.

Si Chanel Latorre na ipinakilala ng kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel sa pelikulang “Latak” ng Outline Films kasama sina Marc Jacob, Mercedes Cabral, Tia Pusit, Dan Alvaro, Pia Millado at marami pang iba.

Kababalik lang ni Chanel mula sa Hong Kong kung saan ay gumawa siya ng isang makabuluhang pelikula na may sosyo ng Hollywood.

***

Isang buwang bago umalis si Latorre sa bansa, ang titulo ng pelikula ay “Tess,” tungkol sa isang domestic helper na Filipina na naging puta sa Hong Kong.

Ngayon ay “Wan Chai Baby” na ang pamagat ng obra na idinidirek ng batikang English filmmaker sa HK na nagngangalang Craig Addison na kilala sa paggawa ng mga palabas-telebisyon at palikulang pambata.

Nang papuntahin si Chanel ni Carig na siya ring prodyuser ng obra, pinatuloy ang bituin sa isang hotel.

Pinamasahihan din siya.

Sa unang araw pa lang ng shooting, halikan at mga seksing eksena na agad ang kinunan.

“Pero wala pong mga torrid kissing scene o pumping o kahit na anong masagwang tagpo. Napaka-conservative pa nga po ni Sir Craig,” pahayag ni Chanel.

***

Nakilala ni Latorre ang kanyang leading man sa pelikula na si Aaron Palermo na isang Italian-British na aktor at modelo sa Hong Kong.

“Kilala po siya sa Hong Kong bilang commercial and fashion model. Siya ang model ngayon ng McDonalds at hit na hit siya,” pagbabalita ni La Torre.

Heto na ang siste.

Nang makunan ang kanilang halikan, inimbitahan ni Aaron ng hapunan si Chanel.

At dahil nakikisama at nakikipagkaibigan sa mga taga-ibang bansa ang isang dayuhang aktres, pumayag siyang sumama kay Palermo.

“Kumain po kami. Tapos, pagabi na nang pagabi. Kahit na maraming tao sa lugar na pinuntahan namin, nakakatakot din dahil mag-isa lang ako. ‘Yong PA (Production Assistant) ko, nakaalis na. Siya kasi ang sumasama sa akin sa shoot. Pero kailangan na niyang umuwi.

“Hanggang sa natapos kaming kumain. Aba, nagyayaya po ba naman si Aaron na punta raw kami sa kanyang flat. Siyempre, natakot ako. May ibig sabihin ‘yong pagyayaya niya, e.

“Nag-iisa lang siya sa kanyanf flat kaya paano naman ako sasama. Kinabahan na ako. Naapektuhan kaya sa kinunan naming lips-to-lips. Ang ginawa ko, kahit na sabihing wala akong pakikisama, tumawag ako ng taxi. Buti na lang, may dumating agad. ‘Yon, naku, buti at nakaalis ako agad.”

***

Nang magkita anya silang muli ni Palermo sa set ay parang “rude na siya sa akin. Lagi na niya akong pinupuna sa aking ginagawa.

“Like, isang beses, nando’n lang ako sa loob ng isang kotse sa malapit sa set. Nag-iisip-isip lang naman ako. Malayo lang ang tingin ko. Tapos, lumapit ba naman siya.

“Tapos, ang sabi sa akin, why are you method acting. This is not a subdued acting. E, narinig siya ni Sir Craig. ‘Yon, pinagsabihan siya. Sabi ni Sir Craig, ‘you just let her do what she wants.’ Pero mula noon, parang naging friendly na siya,” kuwento ni Chanel na may hitsura at hilatsa na ng isang pagiging Hollywood actress kahit ang pelikula ay kinunan sa Hong Kong.

Bida si Chanel sa obrang ito na balak ipalabas ni Addison sa Sundance Film Festival ni Robert Redford.

***

“Akala kasi ng mga taga-Hong Kong, lalo na ‘yong mga Westerner doon at kahit mga Asia, ang lahat ng mga Filipina ay puta sa Hong Kong. Kasi, ganyan talaga ang tingin nila sa mga Filipina.

“Nag-research nga po ako bago kami mag-shoot sa mga club sa Hong Kong. At ‘yon, nakausap ko ang mga Filipina sa mga club do’n. Naku, ang hirap ng buhay nila. Bale, kasi, umalis na silang mag-DH at pumasok na lang silang hostess o kaya ay mga masahista sa mga club. Tapos, nagpapabayad na sila.

“Ganyan kasama ang tingin sa atin sa ibang bansa. Pero gusto ko lang patunayan sa kanila na hindi lahat ng mga Filipina ay madadala sa sex para lang magkapera.

“Nakakalungkot ang nangyayari sa ating mga kababayan sa Hong Kong lalo na ‘yong mga inaapi ng mga employer. Tapos, ‘yong mga hostess sa club, nagkakasya sila sa isang masikip at maliit na kuwarto kahit walo sila sa loob. Nakakaawa sila,” pahayag ni Chanel.

Star Patrol (for Saksi, June 22, 2010)

Boy Villasanta

Hong Kong actor-model, muntik pagsamantalahan ang Filipina actress

KAHIT nga yata saan lumugar ang magandang aktres na si Chanel Latorre ay may nagnanasa sa kanya.

Hindi nga ba’t naipagtapat niya sa atin noon na may isa siyang kasamahan sa GMA Network na nanligaw sa kanya at nang hindi siya makuha ay kung anu-ano ang pinagsasabi sa kanya?

May insidente rin na muntik nang maibugaw si Chanel ng isang kilalang talent manager na nagkakaso ng exploitation pero mabuti at nakaiwas siya.

Ngayon naman ay may nagtangka sa kanya anya sa Hong Kong kamakailan na ilugso ang kanyang puri.

Kasama niya anya sa produksyon ang lalaking ito.

***

May ginawa kasing pelikula si Latorre sa Hong Kong kamakailan.

Kararating lang nga niya mula sa dating Crown Colony pagkatapos ng isang buwang singkad na paggawa ng pelikula roon.

Nakapasa siya sa audition tape na kanyang ipinadala sa kanyang direktor na si Craig Addison at sa mga DVD ng kanyang mga pelikulang pinagbidahan sa Pilipinas kabilang ang kontrobersyal na “Latak” ng Outline Films na idinirek ni Jowee Morel.

Pinamasahihan at pinaghotel ni Craig ang kanyang pangunahing aktres na kanyang inalagaan sa lahat ng anggulo sa pelikula.

Pero sa unang araw pa lang ng shooting ay umaatikabong halikan at kaseksihan na ang ginawa ni Chanel.

“Pero napaka-conservative pa rin po ng pelikula. Walang showing of the flesh dito except perhaps sa bare back ako habang nagmamasahe at ‘yong naka-bra lang ako at skirt,” pagpapatotoo ng bituin.

***

Ang pelikula ay pinamagatang “Wan Chai Baby” na tungkol sa isang Filipina na nagtrabaho munang Domestic Helper o DH pero nang mamatay ang kanyang amo ay namasukan sa isang masahehan at pagkatapos ay nagpatianod na sa kaputahan pero ayon kay Latorre ay hindi na ipinakita ‘yon ng pelikula.

Dating “Tess” ang pamagat ng obra pero pinalitan na ng titulo at ang ginawang basehan ay ang lugar na Wan Chai sa Hong Kong kung saan maraming Pinay na nagbebenta ng laman o kung sa maikling salita ay nagpuputa.

Ayon kay Latorre, balak ni Addison na ipalabas sa Sundance Film Festival, ang filmfest na inorganisa ng kilala at premyadong Hollywood actor na si Robert Redford, ang “Wan Chai Baby” sa 2011 kaya binubusisi na ni Craig ang obra.

***

Kailangan ding ipahayag at ipakilala si Chanel Latorre sa publiko sa pamamagitan ng pagsulat sa kanya dahil siya ma ay artistang Filipino rin at may karapatang maipabatid sa madla ang kanyang kontribusyon sa kasaysayan ng pelikula sa Pilipinas kahit na sa ibang bansa pa niya ginawa ang kanyang pinagbibidahan.

Si Chanel ay para ring sina Marian Rivera, Gloria Romero, Bea Alonzo, Nora Aunor, Maricel Soriano, Susan Roces, Amalia Fuentes, Rhian Ramos, Sharon Cuneta, Jennylyn Mercado o kaya’y Vilma Santos at marami pang iba ang mga artistang babae sa Pilipinas.

May ipapakita ring talento si Latorre dangan nga lamang at hindi siya nabibigyan ng oportunidad sa lokal na larangan ng sining ng pelikula at telebisyon nang mas madalas o kaya ay inihahain siya nang buung-buo sa balana.

Marami rin siyang kuwento na dapat ipaalam sa mga mamamayan.

Tulad na lang ng kanyang mga karanasan sa Hong Kong sa paggawa ng “Wan Chai Baby.”

***

Nakilala ni Latorre ang kanyang leading man sa pelikula na si Aaron Palermo na isang Italian-British na aktor at modelo sa Hong Kong.

“Kilala po siya sa Hong Kong bilang commercial and fashion model. Siya ang model ngayon ng McDonalds at hit na hit siya,” pagbabalita ni La Torre.

Heto na ang siste.

Nang makunan ang kanilang halikan, inimbitahan ni Aaron ng hapunan si Chanel.

At dahil nakikisama at nakikipagkaibigan sa mga taga-ibang bansa ang isang dayuhang aktres, pumayag siyang sumama kay Palermo.

“Kumain po kami. Tapos, pagabi na nang pagabi. Kahit na maraming tao sa lugar na pinuntahan namin, nakakatakot din dahil mag-isa lang ako. ‘Yong PA (Production Assistant) ko, nakaalis na. Siya kasi ang sumasama sa akin sa shoot. Pero kailangan na niyang umuwi.

“Hanggang sa natapos kaming kumain. Aba, nagyayaya po ba naman si Aaron na punta raw kami sa kanyang flat. Siyempre, natakot ako. May ibig sabihin ‘yong pagyayaya niya, e.

“Nag-iisa lang siya sa kanyanf flat kaya paano naman ako sasama. Kinabahan na ako. Naapektuhan kaya sa kinunan naming lips-to-lips. Ang ginawa ko, kahit na sabihing wala akong pakikisama, tumawag ako ng taxi. Buti na lang, may dumating agad. ‘Yon, naku, buti at nakaalis ako agad.”

***

Nang magkita anya silang muli ni Palermo sa set ay parang “rude na siya sa akin. Lagi na niya akong pinupuna sa aking ginagawa.

“Like, isang beses, nando’n lang ako sa loob ng isang kotse sa malapit sa set. Nag-iisip-isip lang naman ako. Malayo lang ang tingin ko. Tapos, lumapit ba naman siya.

“Tapos, ang sabi sa akin, why are you method acting. This is not a subdued acting. E, narinig siya ni Sir Craig. ‘Yon, pinagsabihan siya. Sabi ni Sir Craig, ‘you just let her do what she wants.’ Pero mula noon, parang naging friendly na siya,” kuwento ni Chanel na may hitsura at hilatsa na ng isang pagiging Hollywood actress kahit ang pelikula ay kinunan sa Hong Kong.

***

“Akala kasi ng mga taga-Hong Kong, lalo na ‘yong mga Westerner doon at kahit mga Asia, ang lahat ng mga Filipina ay puta sa Hong Kong. Kasi, ganyan talaga ang tingin nila sa mga Filipina.

“Nag-research nga po ako bago kami mag-shoot sa mga club sa Hong Kong. At ‘yon, nakausap ko ang mga Filipina sa mga club do’n. Naku, ang hirap ng buhay nila. Bale, kasi, umalis na silang mag-DH at pumasok na lang silang hostess o kaya ay mga masahista sa mga club. Tapos, nagpapabayad na sila.

“Ganyan kasama ang tingin sa atin sa ibang bansa. Pero gusto ko lang patunayan sa kanila na hindi lahat ng mga Filipina ay madadala sa sex para lang magkapera.

“Nakakalungkot ang nangyayari sa ating mga kababayan sa Hong Kong lalo na ‘yong mga inaapi ng mga employer. Tapos, ‘yong mga hostess sa club, nagkakasya sila sa isang masikip at maliit na kuwarto kahit walo sila sa loob. Nakakaawa sila,” pahayag ni Chanel.

No comments:

Post a Comment