TALAGANG hindi na mapipigilan ang pag-arangkada ng kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel sa kanyang pag-aaral sa ibang at sa London pa, huh.
Huwag isnabin ang kanyang kredensiyals.
Panay ang pagsusunog ni Jowee ng kanyang kilay para pagbalik niya sa Pilipinas ay lalo pa siyang bongga.
“I want to learn more about filmmaking not only in practice but also in theories. This is one way of doing things the right way, I supposed,” pahayag ni Morel sa isang long distance na tawagan kamakailan.
Ito ay kaugnay rin ng paggamit naming sa kanyang post-production facilities sa bansa kung saan may editing service ang makabagong direktor.
Gumawa kasi kami ng isang documentary short kaya gumamit kami ng editing facilities ni Jowee kaya nagkausap kami nang matagal.
Maganda ang pasilidad ni Morel sa kanyang produksyon kaya naman de-kalidad ang kanyang mga pelikula noon pa man, ang “Moma,” “Ec2luv,” “Mona, Singapore Escort,” “Mga Paru-Parong Rosas (Pink Butterflies),” “When A Gay Man Loves,” “Latak,” “Moving Dreams,” “HiStory” at “Strictly Confidential.”
***
Araw-araw ay nag-aaral ng filmmaking si Jowee sa London at ngayon ay nangangailangan siya ng mga dulang pampelikula na maaari niyang isapelikula o ng kanyang mga kasamahang international film students na nakagawa na rin ng mga pelikula sa kani-kanilang bansa.
“It’s very inspiring kung nag-aaral ka. Kaya hindi ko ipagpapalit ang school sa anumang bagay,” sabi pa ni Jowee na nag-i-enjoy sa kanyang pagbabalik sa London pagkatapos ng halos siyam na taon na pagtigil sa Pilipinas.
Nakalabinlimang taon si Morel sa London bago siya nagbalik sa Pilipinas at magsimulang gumawa ng mga obrang pampelikula.
“When one studies, a lot of things are crystallized in our consciousness,” sabi ng tisoy na direktor.
***
Nananawagan nga si Jowee na kung may mga script na available ang mga mandudulang pampelikula sa Pilipinas ay mangyaring pakibasa lang ang kanyang mensahe:
“For scriptwriters who want their scripts to be used for a short film, kindly email
us your materials.
“The script should be for a 7 to 15 minute short film. These short films are to
become the actors’ show reels. Another possibility for these materials is for submission to international film festival...s.
At present there is no budget for the script but you will be credited alongside the production team as the Scriptwriter. There will be no problem whether the script is in English or Tagalog. If you are interested please email me onjoweemorel@live.com.”
Pati nga ang peryodistang pampelikula na si Chito P. Alcid ay nananabik na makita sa screen ang magagandang dulang pampelikula maipapadala kay Jowee.
Sosyal ‘yan dahil mas malawak ang mararating at ang mga estudyante na kaklase ni Morel ay magiging excited sa kaugalian nating mga Filipino.
***
Samantala, nakipagkita ang peryodistang pampelikula na si Jonathan Badon sa kanyang mga tagahanga sa kahilagaang Luzon partikular sa Ilocos dahil pinasinayahan ang mga produktong Ilocano at kustombreng Ilocona sa A Venue sa Makati City kamakailan.
Tulad ng dapat asahan, nagparinig si Jonathan ng kanyang makabagbag-damdaming mga kanta na tenor ang timbre.
Hindi nga ba’t kilalang tenor singer si Badon na tanyag na tanyag hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa?
***
Magagaling ang mga host na pansamantalang ipinalit kay Willie Revillame para sa “Wowowee” ng ABS-CBN mula nang siya ay magbanta, magpapili sa pangasiwaan ng Channel 2 kung sino sa kanila ni Jobert Sucaldito ang pipiliin matapos siya ay punahin ni Jobert.
Mahusay si Robin Padilla at sayang at dalawang linggo lang siyang nanatili sa programa.
Magagaling din sina Lucky Manzano at John Lloyd Cruz.
Wala tayong itulak-kabigin sa kanila.
Ngayon ay si Cesar Montano naman na napakahusay rin.
Kaya kailangan pa ba si Willie sa palatuntunan?
Star Patrol (for Saksi, June 2, 2010)
Boy Villasanta
Mga short film ng Filipino scriptwriters, gagawin ng kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel sa London
SINONG puwedeng umisnab sa kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel ngayong patuloy ang kanyang pag-aaral ng filmmaking sa London?
Walang ginawa ngayon sa buhay si Jowee kundi magbasa ng mga libro tungkol sa filmmaking.
Laman din siya ng mga library sa kanyang kolehiyo sa London upang makatuto ng mga makabagong estilo at nilalaman sa paggawa ng pelikula.
“I enjoy every minute of my studies here in London,” pahayag ni Jowee sa isang overseas call kamakailan.
Para nga anyang nagbabalik ang kanyang mga alaala at kabataan na nag-aaral pa siya sa iba’t ibang paaralan sa Pilipinas.
***
Bagamat sa Pilipinas nagsimula ng high school, nagtungo si Jowee sa London nang siya ay nasa katanghaliang-tapat ng kanyang kabataan.
Kaya sa London na ipinagpatuloy ng filmmaker ang kanyang mataas na paaralan at pagkatapos ay nagkolehiyo na siya sa pagkuha ng nursing.
Nakapagtrabaho siya ng nursing sa London pero mas higit ang kanyang itinutok sa paggawa ng mga produksyon sa siyudad na ‘yon.
May mga alaga siyang talents sa London na mga Fil-Briton at mga talagang magaganda at guwapo.
Nakasama pa nga niya sa mga pagtatanghal si Jam Morales at may konting sandali na nagsama sila ni Joey Albert.
Pero nagbalik siya sa Pilipinas noong mga 2001 at ngsimulang magnegosyo pero hindi para sa kanya ang larangang ito kundi ang paggawa ng pelikula.
***
Nagpasya nga siyang pumalaot sa showbiz at lumikha ng mga obrang pampelikula tulad ng “Moma,” “Ec2luv,” “Mga Paru-Parong Rosas (Pink Buetterflies),” “Mona, Singapore Escort,” “When A Gay Man Loves,” “Latak,” “HiStory,” “Moving Dreams” at “Strictly Confidential.”
Sa araw-araw na pag-aaral ng filmmaking ni Jowee sa London at ngayon nga ay nangangailangan siya ng mga dulang pampelikula na maaari niyang isapelikula o ng mga kasamahan niyang international film students na nakagawa na rin ng mga pelikula sa kani-kanilang bansa.
“It’s very inspiring kung nag-aaral ka. Kaya hindi ko ipagpapalit ang school sa anumang bagay,” sabi pa ni Jowee na nag-i-enjoy sa kanyang pagbabalik sa London pagkatapos ng halos siyam na taon na pagtigil sa Pilipinas.
Nakalabinlimang taon si Morel sa London bago siya nagbalik sa Pilipinas at magsimulang gumawa ng mga obrang pampelikula.
“When one studies, a lot of things are crystallized in our consciousness,” sabi ng tisoy na direktor.
***
Nananawagan nga si Jowee na kung may mga script na available ang mga mandudulang pampelikula sa Pilipinas ay mangyaring pakibasa lang ang kanyang mensahe:
No comments:
Post a Comment