NASA Sydney, Australia ngayon ang premyado at kilalang direktor sa buong mundo na si Brillante Mendoza upang dumalo sa ikapitumpu’t pitong taon ng Sydney Film Festival.
Bongga na naman, di ba?
At siya lang ang natatangi at tanging Filipino na imibitahan ng Sydney Filmfest para magbigay-ningning sa okasyon.
Hindi nga ba’t karangalan na naman nating mga Filipino na ang isang kababayan natin—hindi lang sina Lea Salonga, Charice Pempengco, Manny Pacquiao, Arnel Pineda, Allan Pineda at iba pa—ay pinahahalagahan sa ibang bansa nang dahil sa kanyang talino?
Bago pa umalis si Brillante patungong Sydney ay nasaksihan niya ang pagtatanghal ng “Lola” sa paglulunsad ni Gina Lopez, ang tagapangulo ng ABS-CBN Foundation ng “Kapit-Bisig Para Sa Ilog Pasig” sa Power Plant kamakailan.
***
Ipinalabas sa paglulunsad ng proyekto para sa pangangalaga ng makasaysayang Ilog Pasig ang “Lola” na inspirasyunal na panoorin ng mga nagmamahal sa kalikasan at sa kapwa.
Pinili mismo ng mga tagapag-organisa ang pelikula dahil sa dakilang layunin nito na makapag-ambag ng katuturan sa mga gawain para sa kapaligiran.
Itinatampok sa pelikula sina Rustica Carpio at Anita Linda at nagtamo na ng mga karangalan dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Talagang napapanahon ang obrang ito sa pagpapahalaga sa kalikasan at sa mga may edad na.
***
At alam ba ninyong dala-dala rin ni Mendoza ang “Lola” sa Sydney at isa ito sa makikipagtunggali sa mga piling-pili pelikula mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig?
Makikibaka ang “Lola” sa mga likhang-sining ng mga bating na direktor mula sa iba’t ibang bansa kabilang si Julie Bertucelli.
Kaya nga masayang-masaya at nananabik bagamat may kaba si Dante Mendoza sa kanyang pagtugpa sa Sydney at sa timpalak na ito.
“Sana ay ma-recognize muli ang mga talents natin sa Pilipinas sa Sydney dahil mahalaga ito para sa ating mga Filipino,” pahayag ni Dante bago siya lumipad patungong Australia.
“Hindi ako titigil hanggang hindi natin nakakamtan ang higit pang pagpapahalaga sa ating sining ng pelikula,” pamamag-asa si Mendoza.
***
At alam din ba ninyong nakatakda ring maging espesyal na panauhin sa Sydney Film Festival ang sikat at poging Hollywood actor na si Ewan McGregor?
Sino naman si Ewan McGregor?
Ewan ba ang isasagot natin?
Siyempre ay hindi dahil popular na popular si McGregor hindi lang sa Amerika kundi sa iba pang panig ng mundo dahil napakalaki ng makinarya ng marketing at promotion ng Hollywood kaya nararating kahit na ang pinakasulok na lugar sa uniberso.
Si Ewan, mga kaibigan, ay nakilala sa pelikulang “Le Moulin Rouge” katambal ang Australian na aktres na si Nicole Kidman.
Nakilala rin si McGregor sa klasiko nang panooring “Pillow Book” kung saan siya ay naghubad at pinasulatan kundi man pinatatoo-an ng mga salita ang kanyang buong katawan.
Tiyak na magkikita sina Dante at Ewan.
Kasi nga’y bituin si McGregor ng pelikulang “The Ghost Writer” na isa sa mga ipapalabas sa Sydney.
Sosyal naman ang “Lola” dahil dalawang araw na ipapalabas ito sa State Theater sa Sydney.
O, sino ba namang hindi nagmamahal na Filipino ang hindi ipagmamalaki si Brillante Mendoza?
Star Patrol (for Saksi, June 4, 2010)
Boy Villasanta
Brillante Mendoza, tanging Filipino sa 57th SydneyFilm Festival
ARAW ngayon ng pagsasaya ng mga Filipino.
Bakit kanyo?
Dahil ngayong araw na ito ay ikalawang araw ng pagdiriwang ng Sydney Film Festival sa Sydney, Australia.
Ano naman ang koneksyon nito sa ating pagiging Filipino at sa Pilipinas sa pangkalahatang kalagayan?
Siyempre’y ipinagmamalaki nating lahat na may isang Filipino na namumukod-tangi at tanging Pinoy na filmmaker na inimbitahan ng 57th Sydney Film Festival na walang iba kundi si Brillante Mendoza.
Sinusuyod nang talaga ni Dante Mendoza ang iba’t ibang parte ng mundo para ipamarali ang talentong Filipino.
***
Umalis na kamakailan si Dante patungong Sydney para makipagtunggali sa mga bating na kapwa niyang filmmaker sa kompetisyon sa dakong ito ng mundo.
Dala-dala ni Mendoza ang kanyang pelikulang “Lola” ng Centerstage Productions at Swift Productions para ipagtunggali sa paligsahan sa iba’t ibang kategorya ng pestibal.
Walang iniwang kabiguan si Brillante sa Pilipinas kaya naman nakangiti siyang haharap sa mga taga-Sydney at sa mga taong nandirito sa pestibal na nagsimula noong ika-2 ng Hunyo at magtatapos sa ika-14 ng Hunyo.
Bida sa “Lola” ang mga batikang aktres na sina Anita Linda at Rustica Carpipo na nagkamit na ng napakaraming parangal sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.
Inspirado si Dante sa kanyang likhang-sining at kampante siyang ipapalabas ang isang produktong Filipino sa bahaging ito ng Australia.
Hindi lang para sa mga Filipino sa Australia o sa mga Fil-Aussie inihahandog ni Dante ang “Lola” kundi sa lahat ng lahi sa buong daigdig.
“I am happy that Sydney Film Festival chose my film to compete,” pahayag ni Dante.
***
Bago ipinadala ni Mendoza sa Sydney ang “Lola” ay ito ang inspirational film na itinanghal sa paglulunsad ng “Kapit-Bisig Para Sa Ilog Pasig” na natatanging proyekto ng tagapangulo ng ABS-CBN Foudation na si Gina Lopez sa Power Plant kamakailan.
Nakakatuwa ang pagpili sa pelikula dahil sa dinami-dami ng mga likhang-sining ay ito pa ang pinagtuunan ng pansin ng ABS-CBN Foundation.
Kasi nga’y nagpapahalaga ang pelikula sa matatanda at sa pangangalaga ng kalikasan na siyang layunin ng proyekto ni Gina.
Kahit na maraming nagtataas ng kilay sa “Lola” ay napapanatili nito ang karangyaan at katuturan sa mga manonood na Filipino.
Makakalaban ni Brillante sa Sydney ang mga bating ding mga filmmaker na katsikahan niya sa iba’t ibang international film festival.
***
At alam din ba ninyong nakatakda ring maging espesyal na panauhin sa Sydney Film Festival ang sikat at poging Hollywood actor na si Ewan McGregor?
Sino naman si Ewan McGregor?
Ewan ba ang isasagot natin?
Siyempre ay hindi dahil popular na popular si McGregor hindi lang sa Amerika kundi sa iba pang panig ng mundo dahil napakalaki ng makinarya ng marketing at promotion ng Hollywood kaya nararating kahit na ang pinakasulok na lugar sa uniberso.
Si Ewan, mga kaibigan, ay nakilala sa pelikulang “Le Moulin Rouge” katambal ang Australian na aktres na si Nicole Kidman.
Nakilala rin si McGregor sa klasiko nang panooring “Pillow Book” kung saan siya ay naghubad at pinasulatan kundi man pinatatoo-an ng mga salita ang kanyang buong katawan.
Tiyak na magkikita sina Dante at Ewan.
Kasi nga’y bituin si McGregor ng pelikulang “The Ghost Writer” na isa sa mga ipapalabas sa Sydney.
Sosyal naman ang “Lola” dahil dalawang araw na ipapalabas ito sa State Theater sa Sydney.
O, sino ba namang hindi nagmamahal na Filipino ang hindi ipagmamalaki si Brillante Mendoza?
No comments:
Post a Comment