Sunday, May 30, 2010

Aga Muhlach, tumanggi sa pulitika


ANG isa sa mga espesyal na panauhin ni Vilma Santos sa kanyang pagdiriwang ng pagkapanalong muli sa pagkagobernadora ng Lalawigan ng Batangas kamakailan sa Provincial Capitol sa Batangas City ay si Aga Muhlach.

Bagets na bagets si Aga nang pumunta sa kapitolyo kasama ang kanyang misis na si Charlene Gonzales.

Naka-shades ng may frame na kulay puti si Aga at talagang hindi namamaalam ang kanyang kabataan sa gitna ng pagkakaroon niya ng edad.

Ito ang hindi hinayaan ni Muhlach na mangyari sa kanya dahil pinangangalagaan niya ang kanyang katawan at kaluluwa.

Panay ang ehersisyo ni Aga, Ariel Muhlach sa tunay na buhay, kaya naman maganda pa rin ang kanyang katawan ngayon, seksing-seksi pa rin.

At alagang-alaga siya ni Charlene.

***

Nang ipakilala si Aga ng isa sa mga maestro ng palatuntunan, sinabi nitong ang kasunod na babati kay Vilma ay ang mayor ng Mataas na Kahoy, isang bayan sa Batangas.

Nagulat na lang ang lahat nang lumabas sa entablado si Muhlach na masayang-masaya.

Napapailing lang si Aga sa sinabi ng emcee na parang nagsasabing hindi siya papasok sa pulitika at haharapin na lang ang pulitika ng showbiz na pareho rin sa pulitika sa labas nito.

Kasama nina Aga at Charlene ang kanilang panganay na anak na si Andres, isa sa mga kambal na anak ng mga bituin.

Binati ng mag-asawa ang tagumpay ng Star for All Seasons at pati na si Andres kahit na nahihiya ay bumati na rin sa kanyang hinahangaang aktres.

***

Gaano naman katotoo na gino-groom na si Gonzales para maging bokal ng Batangas?

Ito ay dahil sa pag-aari nina Aga at Charlene ng mga ari-arian sa Batangas kaya may residensiya na sila sa bahaging ito ng bansa.

Natatawa lang naman si Gonzales sa hinahangad at inaasahan sa kanya ng mga kababayan.

Samantala, ang kumanta rin sa parangal kay Vi na si Ai Ai de las Alas ay nagsabi na pag siya ay nag-mayor ay aasahan niya ang suporta ni Santos sa kanyang karera sa pulitika.

Ini-assign naman ng emcee kay Ai Ai ang pagmi-mayor ng Calatagan, Batangas.

Mas malamang kaysa hindi ay may ari-ari rin si de las Alas sa bayang ito ng lalawigan.

***

Samantala, marami nang nakapaskel na mga tarpaulin ng pagbati at paghahain ng bagong gobyerno ng Pagsanjan, Laguna kay Maita Sanchez, ang aktres na asawa ng kasalukuyang alkalde pero magiging gobernador na ng Laguna na si ER Ejercito.

Kung saan-saang kanto na ang nakalagay ang mga patalastas na may bagong bisyon si Maita sa kanyang bayan.

Sobra ang kapalaran nina Sanchez at Ejercito sa pulitika dahil mag-asawa na sila ngayong may hawak ng kapangyarihan sa Laguna.

Star Patrol (for Saksi, May 30, 2010)

Boy Villasanta

Charlene Gonzalez at Aga Muhlach, tumanggi sa alok sa pulitika

HINDI matatawaran ang mga bisitang nakipagdiwang kay Vilma Santos sa pagkapanalo niyang muli sa pagkagobernadora ng Batangas Province.

Bukod kina Christopher de Leon na nanalong bokal sa Batangas ay nandoon din kamakailan sa rampa ng Provincial Capitol sa Batangas City si Tirso Cruz III na tumulong sa kandidatura nina Vi at Boyet.

Pareho nang maglilingkod sa lalawigan ang tambalang ito sa pelikula at telebisyon.

Ayon nga kay Vi, masyadong mga guwapo ang mga nasa kapitolyo ngayon kabilang na ang kanyang matagal nang leading man na si Christopher.

Nasa palatuntunan din si Bogie Cruz, ang anak nina Tirso at Lyn Ynchausti na nasa selebrasyon din.

***

Hindi pa nagkasya ay pumasyal at bumati rin sa panalo ni Santos si Vice Ganda na talagang hinangaan at hiniyawan ng mga Batangueño dahil sa kasikatan ng TV host na ito.

Gayundin, nandoon si Ai Ai de las Alas na game na game na nakipagsayaw kay Vice Governor-elect Mark Leviste.

Guwapung-guwapo si Ai Ai kay Mark.

Samantala, ang talagang naggupo ng pagdiriwang ay ang magandang tambalan nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.

Bagets na bagets si Aga nang pumunta sa kapitolyo kasama ang kanyang misis na si Charlene Gonzales.

Naka-shades ng may frame na kulay puti si Aga at talagang hindi namamaalam ang kanyang kabataan sa gitna ng pagkakaroon niya ng edad.

Ito ang hindi hinayaan ni Muhlach na mangyari sa kanya dahil pinangangalagaan niya ang kanyang katawan at kaluluwa.

Panay ang ehersisyo ni Aga, Ariel Muhlach sa tunay na buhay, kaya naman maganda pa rin ang kanyang katawan ngayon, seksing-seksi pa rin.

At alagang-alaga siya ni Charlene.

***

Nang ipakilala si Aga ng isa sa mga maestro ng palatuntunan, sinabi nitong ang kasunod na babati kay Vilma ay ang mayor ng Mataas na Kahoy, isang bayan sa Batangas.

Nagulat na lang ang lahat nang lumabas sa entablado si Muhlach na masayang-masaya.

Napapailing lang si Aga sa sinabi ng emcee na parang nagsasabing hindi siya papasok sa pulitika at haharapin na lang ang pulitika ng showbiz na pareho rin sa pulitika sa labas nito.

Kasama nina Aga at Charlene ang kanilang panganay na anak na si Andres, isa sa mga kambal na anak ng mga bituin.

Binati ng mag-asawa ang tagumpay ng Star for All Seasons at pati na si Andres kahit na nahihiya ay bumati na rin sa kanyang hinahangaang aktres.

***

Gaano naman katotoo na gino-groom na si Gonzales para maging bokal ng Batangas?

Ito ay dahil sa pag-aari nina Aga at Charlene ng mga ari-arian sa Batangas kaya may residensiya na sila sa bahaging ito ng bansa.

Natatawa lang naman si Gonzales sa hinahangad at inaasahan sa kanya ng mga kababayan.

Samantala, ang kumanta si Ai Ai ay nagsabi na pag siya ay nag-mayor ay aasahan niya ang suporta ni Santos sa kanyang karera sa pulitika.

Ini-assign naman ng emcee kay Ai Ai ang pagmi-mayor ng Calatagan, Batangas.

Mas malamang kaysa hindi ay may ari-ari rin si de las Alas sa bayang ito ng lalawigan.

***

Samantala, marami nang nakapaskel na mga tarpaulin ng pagbati at paghahain ng bagong gobyerno ng Pagsanjan, Laguna kay Maita Sanchez, ang aktres na asawa ng kasalukuyang alkalde pero magiging gobernador na ng Laguna na si ER Ejercito.

Kung saan-saang kanto na ang nakalagay ang mga patalastas na may bagong bisyon si Maita sa kanyang bayan.

Sobra ang kapalaran nina Sanchez at Ejercito sa pulitika dahil mag-asawa na sila ngayong may hawak ng kapangyarihan sa Laguna.

Saturday, May 29, 2010

Vilma Santos, gulat na gulat sa balitang tuluyan nang nawalan ng boses si Nora Aunor


HANGGANG ngayon talaga ay hindi maihihiwalay sina Nora Aunor at Vilma Santos sa isa’t isa.

Napuna nga ng masugid na Vilmanian na si Willie Fernandez na palagi anyang pag sinusulat namin si Vilma ay laging kakabit si Nora.

“Gano’n talaga ‘yon,” paliwanag namin kay Willie.

“Hanggang nand’yan si Vilma ay nand’yan si Nora at vice-versa,” pahayag pa namin.

“Kasi nga ay simbolo sila ng proseso ng kasaysayan ng lipunang Filipino,” dagdag pa namin.

Kasaysayan ng lipunang Filipino?

Sobra naman yata ‘yon, marahil ay maitatanong ninyo, samantalang mga artista lang ang mga ‘yan o kung nagpupulitika man ay nasa probinsiya si Santos at natalo naman sa Camarines Sur si Aunor.

Aba, mga kaibigan, huwag lalang-langin ang mga artista dahil may mga representasyon sila sa lipunang ito, may pangalan man o wala.

***

Ito ngang balitang tuluyan nang nawalan ng boses sa pagkanta si Guy ay nakagulantang kay Vi.

Sa pagdiriwang ng victory party ni Santos-Recto sa Lalawigan ng Batangas ay usap-usapan ang pagkawala ng tinig ni Nora.

Sinabi ni Tess de Vera, isa sa mga aktibong Noranian na sila man ay nabigla sa balita.

“Nabalitaan din namin ‘yan. Kaya lang, hindi kami makapaniwala. Kasi, ang alam namin, pinayuhan na talaga si Ate Guy ng kanyang doktor na ipahinga ang kanyang boses dahil makakaapekto nga sa kanya.

“Pero nalaman naming itinuloy pa rin niya ang kanyang concert sa Canada kaya natuluyan siyangmawalan ng boses. Nakakalungkot nga po, e,” pahayag ni Tess na nagsabing huwag nang isama ang kanyang pangalan sa mga write up.

Pero hindi kami papayag.

Mahalaga siya bilang isang Noranian at ang kanyang papel ay isa sa maituturing na nagpapaandar sa buhay ni Nora kahit na ngayon lang pumapailanglang ang pakikisangkot ni Tess sa kapwa mga Noranian.

Lahat ng Noranian, anuman ang estado sa buhay at antas ng pakikisangkot sa buhay ni La Aunor ay napakahalaga sa kasaysayan.

***

Tulad rin ng mga Vilmanian na mahahalaga rin buhay ni Vilma.

Kahit nga sa pagdiriwang ni Santos ng kanyang pagiging gobernador muli ng Lalawigan ng Batangas ay nandoon at kapiling niya ang mga Vilmanian dahil ang mga ito ay mga mamamayan din ng Batangas kahit hindi sila tagaroon dahil ang nagluklok kay Vi ay ang kanyang personal na kasaysayan sa buhay kaya kasama rin doon ang mga Vilmanian.

Sinabi ni Vi na “hindi ako naniniwala sa balitang ‘yan na nawalan na ng boses si Nora.”

Kumareng buo ni Vilma si Nora at nalulungkot ang una sa mga nababalitaan kaugnay sa huli.

“Tsismis lang ‘yan. Walang katotohanan ‘yan. ‘Wag tayong ganyan kay Guy. Please, ipanalangin natin siya na hindi totoo ang balitang ‘yan,” pagdidiin pa ng aktres.

***

Pati na si Christopher de Leon, ang dating asawa ni Ate Guy ay napapailing nang makarating sa kanya ang balita.

“Ganon? Ano ang kaugnayan no’n sa pagpapaopera ni Nora. I don’t think so. I don’t believe so,” pagtatapat ni Christopher na nasa victory party rin ni Vi.

Nagwagi kasing bokal si de Leon sa Batangas kaya naman nakikiisa rin siya sa selebrasyon ng bituin.

Lalo namang hindi naniniwala si Tirso Cruz III sa ulat na ito dahil una na’y wala pa siyang nababalitaan tungkol dito.

“Ngayon ko lang nabalitaan ‘yan, a. Naku, maitanong nga. Nakakaintriga ‘yan, a. Mabuti at nasabi mo sa akin ‘yan,” sabi pa ni Tirso na matagal ding naging ka-loveteam at kasintahan ni Guy.

Star Patrol (for Saksi, May 29, 2010)

Boy Villasanta

Sa balitang tuluyan nang nawalan na ng boses si Nora Aunor, natigagal si Vilma Santos

NAGDIRIWANG si Vilma Santos, kilala rin sa tawag na Vilma Santos-Recto sa kanyang panananalo muli ng pagkagobernadora sa Lalawigan ng Batangas nitong nakaraang eleksyon.

Pati ang pagkapanalo ni Ralph Recto na kanyang esposo sa pagkasenador ay ipinagdiriwang din ng aktres.

Kaya nga noong Martes ay nagkaroon ng palatuntunan sa Kapitolyo ng Batangas sa Batangas City kung saan pinarangalan si Vi ng kanyang mga tagasuporta sa buhay kabilang sa showbiz at sa pulitika.

Ipinapalakpak ng mga Vilmanian—mga botante man o hindi bagamat maraming hindi papayag na ang bumoto kay Vilma ay Vilmanian pero ano naman ang masama roon samantalang totoo namang ang bumoto kay Vilma ay Vilmanian—ang tagumpay na ito ng aktres.

Ano ba?

Paandarin naman natin ang ating imahinasyon.

***

Hindi lang sa showbiz mai-a-apply ang pagiging Vilmanian sa pagsuporta ng isang tao kay Vilma bilang gobernadora.

Sa pang-araw-araw na buhay ay puwede rin dahil halimbawang sinusuportahan at kinabibiliban natin ang isang tao, halimbawa’y si Maria o si Juan, puwede tayong tawaging maka-Maria o maka-Juan o Marian o Juanian kung maganda ang tunog o puwedeng ikabit ang hulaping nian o ian sa bagay o taong pinatutungkulan.

Hindi nga ba’t ang buhay ay showbiz at ang showbiz ay buhay?

Ang ginawa ngang victory party sa Batangas Provincial Capitol ay pagpapakita ng pagka-Vilmanian ng mga sumusuporta sa pulitika ni Vilma.

***

Mainit na paksa sa victory party ni Vi ang pagkawala ng boses ni Nora Aunor.

O bakit naman nasingit si Nora Aunor?

Dahil kontradiksyon nga sina Nora at Vilma.

Dayalektiko sila.

Mahalagang bahagi sila ng kasaysayan ng lipunang Filipino.

Kung walang Nora, walang Vilma.

Kamakailan ay nabalitang tuluyan nang naglaho ang ginintuang tinig ni Aunor dahil ayon nga sa kanyang masugid na tagasubaybay na si Tess de Vera, “nagulat din po kami sa nangyari. Kasi, nagtuloy pa pala si Ate Guy sa kanyang concert sa Canada samantalang pinayuhan na siya ng kanyang doktor na ipahinga ng anim na buwan ang kanyang boses. Kaya lang, nando’n na ‘yon.”

Sinabi ni Tess na huwag nang isulat o ilagay pa ang kanyang pangalan sa mga lathalain pero mahalaga ang isang tagahangang tulad niya sa buhay ng mga idolo na tulad ni Nora dahil sila ang nagbibigay-kahulugan sa eksistensiya ng mga idolo.

***

Maging si Vi ay hindi mapaniwala na wala nang boses ang mahigpit niyang katunggali sa popularidad at pag-arte.

“Hindi ako naniniwala na mangyayari ’yan kay Nora. Tsismis lang ‘yan. Wala ‘yang katotohanan. Hindi dapat mangyari ‘yan,” pahayag ni Vilma sa kalagayan ni Nora.

“Ipanalangin natin na hindi ‘yan totoo. Saan ba naman nanggaling ang balitang ‘yan. Sobra naman ‘yan,” paliwanag pa ni Vi sa aming eksklusibong panayam sa kanya sa Kapitolyo ng Batangas.

Gulat na gulat ang arch rival ng Superstar sa kapalaran ngayon ni Nora.

Ayon kay Tess, magdedemanda si Ate Guy laban sa klinikang nagsagawa ng pareretoke sa kanyang mukha sa Japan.

***

Samantala, hindi rin makapaniwala si Christopher de Leon sa naganap kay Guy.

Si Christopher na naging mister ni Nora sa mahaba-haba ring panahon.

Nasa Batangas Provincial Capitol si de Leon dahil nanalo siyang bokal sa lalawigang ito at nakikibahagi siya sa pagdiriwang ng kanyang ka-love team sa pelikula.

“Ganon? Ano ang kaugnayan no’n sa pagpapaopera ni Nora. I don’t think so. I don’t believe so,” pagtatapat ni Christopher na nasa victory party rin ni Vi.

Nagwagi kasing bokal si de Leon sa Batangas kaya naman nakikiisa rin siya sa selebrasyon ng bituin.

Lalo namang hindi naniniwala si Tirso Cruz III sa ulat na ito dahil una na’y wala pa siyang nababalitaan tungkol dito.

“Ngayon ko lang nabalitaan ‘yan, a. Naku, maitanong nga. Nakakaintriga ‘yan, a. Mabuti at nasabi mo sa akin ‘yan,” sabi pa ni Tirso na matagal ding naging ka-loveteam at kasintahan ni Guy.

Friday, May 28, 2010

Pag-ulit sa karanasan ni Miriam Quiambao sa Miss Universe sa Trinidad and Tobago

ANO ang ginagawa ng Binibining Pilipinas-Universe at aktres na si Miriam Quiambao sa Womeb’s Correctional sa Mandaluyong City?

May sakit na ba siya sa isip at nakaratay sa ospital na ‘yon?

May nagawa ba siyang krimen sa sukat na ipagbayad niya sa pamamagitan ng pagkakulong?

Bakit siya napadako sa dakong ‘yon ng daigdig?

Ang sagot ay nagti-taping ang beauty queen sa lugar na ‘yon?

Ano naman ang kanyang tini-taping?

Puwes, isang drama show para sa Associated Broadcasting Corporation o ABC Channel 5, mas kilala sa tawag na TV5.

***

Ayon sa beteranang aktres na si Vangie Labalan, ipinatawag ng production staff ng “Ruffa 5-Star Special” si Miriam para mag-guest sa soap opera ni Ruffa Gutierrez.

Nag-a-ala Maricel Soriano si Ruffa sa pagganap sa madudulang tagpo kaya kailangang suportahan ng istasyon ang programang ito.

Isang malaking paghamon kay Gutierrez ang makasama sa isang palatuntunang iyakan at dramahan ang isang Quiambao na bukod sa reyna rin ng kagandahan ay matalino ring nilalang.

Isang araw ay iniskedyul ang pagganap ni Miriam.

Sa Women’s Correctional kinunan ang mga tagpo.

At ‘yon na nga, inimbitahan ni Miriam si Vangie na turuan siya sa pag-arte sa set mismo ng produksyon.

“Alam mo na ang uso ngayon, nagbibitbit ang mga may perang artista ng ng acting coach para maturuan sila sa set mismo. At mabuti naman at ako ang kinuha ni Miriam. I was so excited,” pahayag ni Labalan.

***

Nakapuwesto si Quiambao sa double deck.

Nasa itaas siya at umaarte.

Nang bigla na lang sa kanyang pag-apak sa hagdan ng double deck, nabulid siya nang hindi sinasadya.

Kaya kailangang ihinto muna ang shooting para matingnan ang nangyari sa aktres.

“Naku, nakakaawa si Miriam. Grabe ang nangyari sa kanya. Ang ganda-ganda at ang seksi-seksi pa naman niya. Kitang-kita ko, e,” pahayag ni Vangie sa pagdiriwang ng kaarawan ng namayapa niyang asawa sa kanyang apartment sa may Samar Avenue, malapit sa ABS-CBN, kung saan may mga kubo sa labas.

Kaya nga ang tawag niya sa lugar na ito ay kubo.

Sa kanyang paanyaya sa amin, sa kubo kami magkikita-kita.

***

Talagang tumimbuwang ang beauty queen at nawalan ng poise, ayon sa pagkakasaksi ni Vangie.

“Naku, I could imagine kung paano nag-react si Miriam sa sitwasyon na ‘yon. Grabe. Nandoon kami talaga. At ang mga crew, hindi malaman ang gagawin sa kanya. Pati nga ‘yong mga staff, nataranta. Pati si Ruffa, nakialam. Pero may poise pa rin si Miriam.

“Naalala ko tuloy nang sumali siya sa Miss Universe noon sa Trinidad and Tobago. Di ba, naglalakad siya sa entablado nang sumabit ang gown niya sa isang bagay at napaliay siya. Kasi, ‘yong suot niyang sapatos, apektado rin kaya nabuwal talaga siya.

“Pero wala siyang pakialam, bumangon din siya agad. Ganyan ang mga professional, di ba? Sana, ganyan ang mga artista at hindi maaarte Maganda ang ipinakitang halimbawa ni Miriam sa lahat, huh,” papuri ni Labalan.

Star Patrol (for Saksi, May 28, 2010)

Boy Villasanta

Binibining Pilipinas-Universe Miriam Quiambao, tumimbuwang sa double deck

ANG aksidente ay dumarating sa buhay ng isang tao sa isang hindi inaasahang sandali.

At ang sakuna ay walang pinipiling tao na pangyayarihan o antas ng pamumuhay ng isang nilalang.

Tingnan na lang ang nangyari sa maganda at matalentong Binibining Pilipinas-Universe at aktres na si Miriam Quiambao.

Grabe ang nangyari sa kanya

Narito ang kumpletong istorya.

Hindi nga ba’t binigyan ng Associated Broadcasting Corporation o ABC Channel 5, mas kilala sa tawag na TV5, ng magandang oportunidad si Ruffa Gutierrez na maipakita ang kanyang talino sa pag-arte sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng drama special ala-Maricel Soriano?

Nagti-taping na ang aktres at beauty queen din

***

Isa si Miriam sa mga inimbitang bituin na magpapasigla at magtutulak kay Ruffa na umarte pa nang mas mainam para sa kanyang kapakanan at sa kagalingan din ng mga manonood.

Sa Women’s Correctional naganap ang aksidente.

Bakit sa Women’s Correctional?

Dahil dito naganap ang taping at ang kuwentong tinalakay ay may kaugnayan sa isang babaing nabilanggo nang dahil sa krimeng nagawa.

Sa lahat pa naman ng lugar sa Pilipinas ay sa dako pang ito ng Kamaynilaan nagkaroon ng sakuna si Quiambao.

Ang eksena ay nasa double deck na kama si Miriam at nag-i-emote.

Nasa itaas siya ng katre at talagang bigay-todo ang kanyang pagbibigay-buhay sa karakter na kanyang ginagampanan nang bigla na lang siyang lumagabong

Kasi nga’y may tagpo na aapak siya sa hagdan ng kama para makapunta sa itaas nang bigla na lang luminsad ang kanyang pagkakayapak sa hagdanan.

Kaya hayon ay nabulid siya

***

Ayon sa beteranang aktres na si Vangie Labalan, mabuti na lang at maagap na nasakolohan ang beauty queen.

May presence of mind rin anya si Miriam kaya naman hindi siya masyadong naapektuhan.

“Pero nagalusan ang seksi niyang mga binti. Naku, kung nando’n ka, talagang maaawa ka kay Miriam pero bibilib ka naman sa kanyang lakas ng loob sa mga sitwasyong tulad nito,” pahayag ni Vangie

Nandoon naman si Labalan dahil personal siyang ipinatawag ni Quiambao para makasama sa taping

“Uso na kasi ngayon ang mga artistang may pera na nagbibitbit ng mga acting coach sa set. Nagpapasalamat nga ako kay Miriam dahil binitbit niya ako sa set,” maligayang pahayag ni Labalan

***

Nakapuwesto nga si Quiambao sa double deck.

Nasa itaas siya at umaarte.

Nang bigla na lang sa kanyang pag-apak sa hagdan ng double deck, nabulid siya nang hindi sinasadya.

Kaya kailangang ihinto muna ang shooting para matingnan ang nangyari sa aktres.

“Naku, nakakaawa si Miriam. Grabe ang nangyari sa kanya. Ang ganda-ganda at ang seksi-seksi pa naman niya. Kitang-kita ko, e,” pahayag ni Vangie sa pagdiriwang ng kaarawan ng namayapa niyang asawa sa kanyang apartment sa may Samar Avenue, malapit sa ABS-CBN, kung saan may mga kubo sa labas.

Kaya nga ang tawag niya sa lugar na ito ay kubo.

Sa kanyang paanyaya sa amin, sa kubo kami magkikita-kita.

***

Talagang tumimbuwang ang beauty queen at nawalan ng poise, ayon sa pagkakasaksi ni Vangie.

“Naku, I could imagine kung paano nag-react si Miriam sa sitwasyon na ‘yon. Grabe. Nandoon kami talaga. At ang mga crew, hindi malaman ang gagawin sa kanya. Pati nga ‘yong mga staff, nataranta. Pati si Ruffa, nakialam. Pero may poise pa rin si Miriam.

“Naalala ko tuloy nang sumali siya sa Miss Universe noon sa Trinidad and Tobago. Di ba, naglalakad siya sa entablado nang sumabit ang gown niya sa isang bagay at napaliay siya. Kasi, ‘yong suot niyang sapatos, apektado rin kaya nabuwal talaga siya.

“Pero wala siyang pakialam, bumangon din siya agad. Ganyan ang mga professional, di ba? Sana, ganyan ang mga artista at hindi maaarte Maganda ang ipinakitang halimbawa ni Miriam sa lahat, huh,” papuri ni Labalan.

Thursday, May 27, 2010

Jenina Garcia at Alwyn Uytingco, magsyota na?

ANO kaya ang masasabi nina Jean Garcia at Jigo Garcia ngayong nagkakamabutihan na umano ang mga kabataang artista na sina Jenina Garcia at Alwyn Uytingco?

Ngayong natalo si Jigo sa pagkakonsehal ng Lunsod ng Quezon City ay matanggap kaya niya na ang kanyang anak na babae ay nakikipag-boyfriend kay Alwyn ngayon?

At si Jean, ano ang kanyang reaksyon sa kaganapang ito sa kanilang pamilya?

Ayon sa isang malapit na malapit sa kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel ng mga pelikulang “Moma,” “Ec2luv,” “Mga Paru-Parong Rosas (Pink Butterflies),” “When a Gay Man Loves,” “Latak,” “Mona, Singapore Escort,” “HiStory,” “Strictly Conidential” at “Moving Dreams,” madalas magkasama sa mga lakaran sina Garcia at Uytingco.

***

Sinabi pa ng aming impormante, na talagang halatang in love ang dalawang bagets at parang walang makapaghihiwalay sa kanilang pagmamahalan.

Ayon pa sa aming source, parang ngayon lang umibig nang ganito si Jenina dahil parang hahamakin ang lahat masunod lamang si Kupido.

Si Alwyn naman anya ay talagang masigasig sa kanyang panunuyo at kinalaunan ay pagmamahal sa batang aktres.

Gayunman, pag lumalabas sina Jenina at Alwyn ay marami silang kasama.

***

Samantala, napapag-usapan na rin lang ang pakikipag-boyfriend.

Ang daming nanliligaw ngayon sa sikat na sikat na batang bituin na si Andi Eigenmann lalo na nang siya ay lumabas na sa “Agua Bendita” na produksyon ng ABS-CBN.

Kung noong wala pa sa showbiz si Andi at barkada at eskuwelahan lang ang pinagkakaabalahan ay ang dami na nang namimintuho sa anak nina Jaclyn Jose at Mark Gil, mas lalo ngayon na nakalantad ang kagandahan ng batang aktres sa apat na sulok ng mundo.

Bastat para kay Jaclyn na kasama sa bahay ni Eigenmann, ang mahalaga ay hindi napapabayaan ng kanyang anak ang kanyang sarili at kung makikipagmabutihan man ang magandang dalaga ay kailangang handa na ito sa lahat ng bagay dahil hindi simple ang pakikipagrelasyon.

***

Kung bagay na bagay ang tambalang Derek Ramsey at Angelica Panganiban, bagay na bagay rin ang parehang Derek at Angel Locsin sa isang patalastas.

Kung magkakaroon muli ng panibagong soap opera o pelikula si Angel, mas magandang kunin ng produksyon si Derek na kanyang makatambal.

Parehong hanep sa hubog ng katawan sina Ramsey at Locsin kaya hindi kataka-takang makaungos ang kanilang tambalan.

Ano kaya ang masasabi ni Angelica sa pakikipagtambal sa iba ng kanyang mahal kahit sa komersyal lang?

***

Marami rin ang nai-in love sa magandang si Danielle Castaño na nagwaging Binibining Pilipinas-World noong 2009.

Kahit ang kanyang kasama sa pelikula na si Lance Raymundo ay patay na patay sa kanya pero hanggang paghanga lang.

Magkasama sina Lance at Danielle sa “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” ng ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival, Cultural Center of the Philippines at Boy Abunda, ang huli ang siyang katuwang na prodyuser ng Cinemalayasa obra maestrang ito ni Mario O’Hara.

Star Patrol (for Saksi, May 27, 2010)

Boy Villasanta

Jenina Garcia at Alwyn Uytingco, nagkakamabutihan na

BAGAMAT natalo ang dating matinee idol na si Jigo Garcia sa kanyang pakikibaka sa pulitika nitong nakaraang eleksyon sa pagkakonsehal ng Lunsod ng Quezon, nanalo naman ang kanyang anak na si Jenina Garcia pag-ibig.

Kalat na kalat na sa apat na sulok ng mundo na si Jenina ay nakikipagmabutihan kay Alwyn Uytingco.

Ano kaya ang masasabi ni Jigo?

Ano rin ang masasabi ni Jean Garcia na ina ni Garcia?

Ngayon pa naman na bigo si Jigo sa kanyang pangarap na makapaglingkod sa bayan?

At si Jean naman na patuloy na nakikipagtunggali sa buhay?

***

Marami ang nakakasaksi sa magandang pagsasamahan nina Jenina at Alwyn.

Isa ang dating malapit na malapit na aktor sa direktor na si Jowee Morel, ang filmmaker na gumawa ng mga obrang “Moma,” “Ec2luv,” “When a Gay Man Loves,” “Mona, Singapore Escort,” “Latak,” “HiStory,” “Moving Dreams,” “Mga Paru-Parong Rosas (Pink Butterflies)” at Strictly Confidential,” buong puso at tapat na nagmamahalan sina Alwyn at Jenina.

Bagay na bagay naman silang dalawa bagamat kailangang handa sila sa mga hamon ng buhay para sa dalawang kabataang nagmamahalan.

Madali anang aming impormante na na-develop sina Uytingco at Garcia sa isa’t isa kahit na bago pa lang silang magkakilala bagamat sa mga film events ay nagkikita na sila noon pa.

Hindi maikakailang may namamagitan nang romansa sa dalawa sa gitna ng pagsama nila sa barkada.

Panay naman ang payo ng malapit kay Jowee na kailangang ang pag-aartista muna ang unahin ng dalawa kaysa sa maagang pag-aasawa.

***

Samantala, napapag-usapan na rin lang ang pakikipag-boyfriend.

Ang daming nanliligaw ngayon sa sikat na sikat na batang bituin na si Andi Eigenmann lalo na nang siya ay lumabas na sa “Agua Bendita” na produksyon ng ABS-CBN.

Kung noong wala pa sa showbiz si Andi at barkada at eskuwelahan lang ang pinagkakaabalahan ay ang dami na nang namimintuho sa anak nina Jaclyn Jose at Mark Gil, mas lalo ngayon na nakalantad ang kagandahan ng batang aktres sa apat na sulok ng mundo.

Bastat para kay Jaclyn na kasama sa bahay ni Eigenmann, ang mahalaga ay hindi napapabayaan ng kanyang anak ang kanyang sarili at kung makikipagmabutihan man ang magandang dalaga ay kailangang handa na ito sa lahat ng bagay dahil hindi simple ang pakikipagrelasyon.

***

Kung bagay na bagay ang tambalang Derek Ramsey at Angelica Panganiban, bagay na bagay rin ang parehang Derek at Angel Locsin sa isang patalastas.

Kung magkakaroon muli ng panibagong soap opera o pelikula si Angel, mas magandang kunin ng produksyon si Derek na kanyang makatambal.

Parehong hanep sa hubog ng katawan sina Ramsey at Locsin kaya hindi kataka-takang makaungos ang kanilang tambalan.

Ano kaya ang masasabi ni Angelica sa pakikipagtambal sa iba ng kanyang mahal kahit sa komersyal lang?

***

Marami rin ang nai-in love sa magandang si Danielle Castaño na nagwaging Binibining Pilipinas-World noong 2009.

Kahit ang kanyang kasama sa pelikula na si Lance Raymundo ay patay na patay sa kanya pero hanggang paghanga lang.

Magkasama sina Lance at Danielle sa “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” ng ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival, Cultural Center of the Philippines at Boy Abunda, ang huli ang siyang katuwang na prodyuser ng Cinemalayasa obra maestrang ito ni Mario O’Hara.

Wednesday, May 26, 2010

Diether Ocampo, Coco Martin, inspirasyon ni Lance Raymundo sa pag-arte

MAS naunang hindi hamak sa pag-arte si Diether Ocampo kay Coco Martin.

Nag-aaral pa lang si Coco ay namamayagpag na si Diether sa showbiz.

Kaya kahit na si Lance Raymundo ay nasa laylayan pa lang ng larangang ito.

Pero dahil nauna na si Ocampo ay idolo na rin siya ni Martin sa pagganap bagamat marami pang mga eskuwelahan ng pagganap ang nakasanayan na ni Coco sa kanyang pakikisalamuha sa mga taga-showbiz kabilang sa premyadong direktor na si Brillante Mendoza na kanyang unang filmmaker at naghulma sa kanya sa pag-arte.

Samantala, si Diet ay nakasalang na sa mahuhusay na direktor kabilang sina Chito Roño, Rody Quintos, Olivia Lamasan, Joel Lamangan at napakarami pang iba.

Kaya naman sila ay ginagagad ni Lance sa pag-arte lalo na ngayong siya ang pormal na napili ni Mario O’Hara para gampanan ang maselang papel ni Emilio Aguinaldo sa pelikulang “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” para sa ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival ng Cultural Center of the Philippines.

***

“Idols ko talaga sila. Kahit hindi pa ako nag-aartista at kumakanta pa lang ako, sila na ang gusto kong maging,” pahayag ni Lance sa isang natatanging panayam sa set ng “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” sa Puerta San Andres sa Intramuros, Maynila kamakailan.

Hindi na nakatkat sa isip at puso ni Raymundo ang kahusayan nina Ocampo at Martin na dapat lang tularan.

“Nagkasama na kami ni Diether sa mga show pero hindi pa kami nagkakaeksena na dalawa. But I regard him as a real actor,” pahayag ni Lance.

Para kay Raymundo ay nakamtan na ni Diet ang mga pasubok na mahalaga sa isang artista.

“Marating ko lang ang kahit kalahati ng kanyang narating, maligaya na ako,” pahayag ni Raymundo na talagang nagtitiyaga sa paghihintay ng magagandang role para sa kanya.

***

Hindi pa rin anya sila nagkakasama sa mga tagpo ni Coco pero napapanood niya ito at bilib na bilib siya kahit na saang anggulo.

“Iba ang atake niya sa pag-arte. Nasa kanya ang emotional intensity ng isang actor. Talagang feel na feel mo ang kanyang mga reactions and actions na hindi mo makikita sa ibang performer,” pahayag ni Raymundo.

Natutuwa nga siya dahil kahit ang kanyang kapatid na si Rannie Raymundo ay lagi siyang kinukumusta sa kanyang trabaho sa araw pag-uwi niya sa bahay.

“Naku, pag uuwi na ako, sasabihin niyan sa akin, ‘o, ano, nasaan ang kamera?’ Tapos, magtatanong siya sa akin how I fared in the shoot. He’s really very concerned about my welfare as an actor,” pahayag ni Lance.

Pati ang kanyang inang dating aktres, si Nina Zaldua, ay ipinagmamalaki ang kanyang anak, ang kanyang dalawang anak kahit na ang bunsong si Lance.

“Basta sa mga premiere nights lang nagpupunta sina Mommy. Gano’n lang ang support niya pero she’s all the way for us,” pagtatapat ni Raymundo.

***

Iki-non-sider din sa pagka-Emilio Aguinaldo si Jake Cuenca.

“Si Jake, magaling din. Nagkasama na kami sa ‘Pieta’ and he’s very good,” pagmamalaki ni Lance.

“Idol ko rin si Jake,” sabi ni Raymundo.

Sayang nga lang anya at hindi nagkasundo ang kampo nina Mario O’Hara at Jake sa pagganap nit okay Aguinaldo.

“Pero hindi ko makakalimutan na siya ay magaling na aktor. Wala ako kung wala siya. Mahusay pa naman siyang aktor. Napapanood ko siya and I can safely say na malayo talaga ang mararating ni Jake,” papuri ng singer na aktor.

Pati ang pinagpiliang si Dennis Trillo ay hindi maiwawaglit sa isip ni Lance.

“I also heard that Dennis was also considered for my role. Nakakahiya naman sa kanila pag hindi ko pa pinagbuti ang aking pagganap dito,” wika ni Raymundo.

“Hindi pa kami nagkakasama sa isang show ni Dennis pero nagkikita na kami nang madalas. Pinakahuli naming pagkikita ay sa States nang magpunta ako lately ro’n. Mabait si Dennis at nagkasundo agad kami sa hilig naming, sa kotse,” pahayag ni Lance.

***

Bilib na bilib naman si O’Hara kay Lance sa pagganap nito bilang Aguinaldo.

“Innate actor si Lance. He has the makings of a good actor,” sabi ni Mario.

Hindi magtataka si O’Hara kung mananalo si Raymundo nang pinakamahusay na aktor sa pelikulang ito.

Kahit ang may katawan mismo ay nagsasabing nais niyang magwagi ng award sa proyektong ito.

“I hope, I hope,” pamamag-asa ni Lance.

Star Patrol (for Saksi, May 26, 2010)

Boy Villasanta

Harold Montano, karagdagang alaga ni Maryo J. de los Reyes

HUMAHABA ang listahan ng mga alaga ni direktor Maryo J. de los Reyes.

Hindi pa nagkasya sa kanyang mahuhusay na aktor tulad ni Yul Servo at ni Isko Moreno at iba pang mga bituin, nadaragdagan pa ang talaan.

Pinakahuli ang mahusay na bituin na nakilala nang siya ay nagpupulupot ng ahas sa kanyang katawan, si Harold Montano.

Si Harold na dating alaga ni Edwin Guiquin.

Si Edwin ang unang nakadiskubre kay Montano at mula noon ay malayo na ang nakamtang papuri ng aktor.

Pero marami ngang ginagawang opisyo ni Guiquin kaya naman ipinasa na niya kay Maryo ang kanyang kaibigan at alaga.

***

Ang peryodistang pampelikula na si Dennis Adobas ang unang nakatuklas sa bagong kabanatang ito sa buhay ni Harold.

Matatandaan noon na nakaladkad ang pangalan ni Dennis kay Montano nang siya ay paratangan na may crush sa seksing aktor.

Maraming nais itulong si Adobas kay Harold kaya naman nang magsimula nang mag-artista si Harold ay kung may maibibigay lang na trabaho si Dennis ay ora mismo, ilalatag niya ito sa paanan ni Montano.

Gaya na lang nang planuhin ni Mario O’Hara ang “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio at ipasok sa bagong dibisyon ng Cinemalaya Independent Film Festival ng Cultural Center of the Philippines sa Open Category.

Nagustuhan agad ng mga hurado ang obra ni Mario kaya naman inokeyan agad ito ng pamunuan ng Cinemalaya.

Nang mag-casting ay nagpatulong si O’Hara kay Adobas.

Nakapagpasok si Dennis ng maraming artista sa proyekto tulad nina Kristofer King, Alvin Geda at Montano.

Ito ay bukod pa sa paghahanap ng mga kaukulang aktor sa mga nakalaang papel sa pelikula.

***

Nangahas si Dennis na tawagan agad si Harold dahil malapit siya sa aktor at sa naiisip niyang talent manager nito na si Edwin.

Pero nang sagutin siya ni Montano ay nabigla siya dahil ang sabi ni Harold ay kausapin si Maryo J. de los Reyes.

“Akala ko naman ay ‘yon lang, na baka may ka-conflict sa schedule ni Maryo sa shooting ni Mario O’Hara. ‘Yon pala, ang sabi ni Harold, si Maryo J. na ang kanyang manager,” sabi ni Adobas.

Kaya tinawagan ni Dennis si de los Reyes at ipinaalam sa kanya ang pagkuha kay Montano.

Nagpasalamat naman si Adobas kay Maryo at gayundin ang direktor.

Walang problema sa pagitan nina Maryo at Harold basta ipapaalam lang ang mga gawain nito sa bawat sandal.

***

Valdomero Aguinaldo ang gagampanang papel ni Harold sa “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio.”

Si Valdomero ay kapatid ni Emilio at napakalaki ng papel na ginagampanan sa buhay ng magiging unang pangulo ng rebolusyonaryong pamahalaan ni Aguinaldo sa pagbubukas at pagpihit ng bagong siglo.

Payat si Harold pero sa iskrin siyempre ay napakalaki niyang tao.

Guwapo pa rin si Harold at ang kanyang maamong mukha ay larawan pa rin ng respeto at magandang pakikipagkapwa.

Ayon kay Montano, wala pa siyang balak na bumalik sa Japan pagkatapos ng mahabang taon na nagtatrabaho niya roon.

“Pag hindi pa po ako sinuwerte sa showbiz ngayon, baka magbalik ako sa Japan,” pahayag ni Harold.

***

Samantala, naghihintay na sina Sergio Galang at Alvin sa pagtawag ni Dennis sa kanila para makasama sa pelikula ni O’Hara.

Ipinagmamalaki ni Sergio na mahusay na direktor si Mario at ang makasama sa proyektong kanyang hawak ay karangalan ng isang maliit na bituin na tulad niya na patuloy na naghihintay ng maganda at tamang break para sa isang may talentong indibidwal na tulad niya.

Si Geda naman pagkatapos na maaksidente ay naghahanap ng magandang kapalaran na makapagpapabago sa takbo ng kanyang buhay.

Muntik nang mamatay si Alvin sa sakuna nang magpabali-baligtad ang kanyang kotseng sinasakyan sa Santa Rosa, Laguna noong isang taon.

Matagal na naratay sa banig ng karamdaman si Geda at ngayong ikalawang buhay na niya ito, nangangako ang batang aktor na magbabago na sa kanyang pang-araw-araw na buhay.

“Gusto ko po, kahit may ma-extrahan lang para naman po makapagsimula ako nang panibago. Mag-aartista na talaga ako nang tuluyan at hindi na babarkada nang walang katuturan,” pangako ni Geda.