MARAMI nang naiugnay na lalaki kay Daiana Menezes mula nang siya ay ilunsad sa industriya ng pelikulang Filipino at telebisyon.
Pero alam ba ninyo na ang pinakahuli sa kanyang listahan ng mga manliligaw ay walang iba kundi si Zhibaker?
Zhibaker who?
Sino pa kung hindi ang parang Bombay, parang Hindu, parang Indian na naka-turban sa ”Eat Bulaga” ng GMA Network.
Puspusan ang panliligaw ni Zhibaker kay Menezes dahil gandang-ganda siya rito.
At pareho pa naman silang pumapapel na dayuhan sa larangan.
***
Ayon kay Diane Zoleta, ang managing director ng Star Models International na siyang may hawak kay Daiana, talagang binabantayan ni Zhibaker ang kagandahan ni Menezes dahil nais niyang siya lang ang makapanligaw sa dalaga samantalang maraming naghahangad na masungkit ang oo ng babaing Braziliang ito.
Saksi si Diane sa marubdob na pagnanasa at pagnanais ni Zhibarek na mapunta sa kanya ang Daianang ito. Si Diane din ang manager ni Daiana.
Kaya nga sa pagsasama ng dalawa sa noontime show, lalo pang kumakabog ang dibdib ni Zhibarek sa kanyang sinisinta at si Daiana naman ay kampante lang sa kanyang pagkilos dahil hindi pa niya naiisip na makipag-boyfriend lalo na at ang prayoridad niya ay ang kanyang pag-aartista.
Isa pa’y dayuhan siya sa bayang ito kaya maingat siya sa paghakbang at pagdedesisyon sa kanyang buhay.
***
Samantala, kalat na kalat na ang petisyon at protesta ng Professional Models Association of the Philippines o PMAP na kinabibilangan nina Ariel Antendido, Phoemela Barranda at iba pa.
Ito ay kaugnay sa reklamo ng organisasyon sa pagkuha ng mga advertising agency sa mga Brazilian at iba pang banyagang modelo kaysa mga Filipinong tulad nila.
Mas kinukuha ng mga advertising agency ang mga dayuhan dahil umano sa mas mababa ang sinisingil ng mga ito kaysa mga Filipinong artista at modelo.
“This is my side of the story. Kasi, hindi naman simple lang ang pagkuha ng talents para sa commercial o sa print ad. Maraming konsiderasyon. Like, sa unang may mga go-see.
“Ang gagawin naming mga agent, magpapapunta kami sa mga audition. Ngayon, ang nangyayari, may mga talents na hindi makakapunta. Iba-iba kasi, ang mga proseso at attitude ng mga Filipino talents.
“May mga nagpupunta sa audition na may mga kaya sa buhay at saka mga estudyante. Meron namang nagpupunta na alam mong hindi deserving. Pero, may mga pagkakataon na ang mga hindi inaasahan ang nakukuha,” pahayag ni Diane.
***
Ang nangyayari, ayon kay Zoleta, ay may mga schedule na hindi nakakapunta ang mga Filipino talents o kaya ay hindi sila nakakabalik pero sila ang nakuha at gusto ng kliyente.
“May mayayayaman naman na hindi na babalik dahil tinamad na o kaya naman ay hindi pansin ‘yong ganyan dahil kaya na naman nila ‘yan. Kayang-kayang ibigay ‘yan ng kanilang mga magulang.
“E, sino ba naman ang kailangan at bagay sa mga produkto na iniendorso sa mga commercial? Di ba, parang mas kailangan ang mga tulad nina Bianca Araneta o Lucy Torres. Mayayaman at kayang-kayang alagaan ang kanilang mga sarili. Pero konti lang sila.
“May mga estudyante naman na puwede pero ‘yon nga, mas uunahin nila ang pag-aaral dahil may allowance naman silang makukuha sa kanilang mga parents. ‘Yong mahihirap naman, kadalasan, kailangan pa ang improvement sa sarili para mag-fit sa role sa commercial,” paliwanag ni Diane.
***
Sa maikling salita, ang problema ngayon ay ang aktitud ng mga modelo.
Hindi ang lahi ang talagang problema kundi ang kaartehan ng mga Filipino na kadalasan ay nawawalan ng proyekto.
“May problema tayong mga Filipino sa pagtrato natin sa buhay at sa propesyon. Masyado tayong undisciplined kaya walang nangyayari sa ating mga buhay sa modeling.
“Hindi naman sa nilalahat ko pero karamihan sa mga Filipino models, masyadong maraming maproblema. Ngayon, kung kailangan na ng mga kliyente ang mga modelo, sino ang ipapalit sa mga Filipinong hindi dumarating sa oras?
“Siyempre, gagawa ng paraan ng kliyente o ‘yong produksyon at kadalasan, ang kinukuha na lang ay ‘yong walang mga problema at dito na pumapasok ang mga foreigners.
“Mas may disiplina ang mga foreigners like the Brazilians kaya naman mas sila ang kinukuha ng mga kliyente dahil nan d’yan sila palagi at may mga professionalism na wala sa mga Filipino models.
“Isa pa, ang talagang bone of the matter ay ang kiliyente. Kasi, sila ang may pera. Nasa kanila ang budget at kailangang magtrabaho lang ang produksyon sa pag-ikot sa budgat na ‘yon,” paliwanag ni Zoleta na hawak din si Paula Taylor at iba pang mga modelong banyaga.
***
Ngayon ay handang makipaglaban si Diane sa sinumang magkukuwestyon sa kanyang integridad bilang tagapag-alaga ng mga foreign talents.
Para sa kanya ay walang dapat sisihin kahit na ang mga banyagang modelo tulad ng mga Brazilian at Brazilian-Japanese tulad nina Daiana, Paula, Akihiro Sato, Vanessa Masunaga, Daniel Matsunaga at marami pang iba.
Sikat na sikat nga naman sina Daniel at Akihiro at talagang pinag-aagawan sila sa mga komersyal at TV show kasama ang pelikula.
Ang payo ni Daine ay magbago ang ugali ng karamihan sa mga Filipino models para magtagumpay at nang hindi matalbugan ng mga foreigner.
“Kasi, kung ‘yon lang ang budget ng producer, kailangang sundin dahil ‘yon lang talaga ang pera,” katwiran ni Zoleta.
Star Patrol (for Saksi, March 23, 2010)
Boy Villasanta
Zhibarek, seryoso ang pamimintuho kay Daiana Menezes
HINDI nangingimi si Zhibarek na siya ay bulol mag-Tagalog o kaya ay siya ay may dugong Bombay at Hindu.
Ang mahalaga ay nakakapagpasaya siya sa mga Filipino na nanonood sa kanya sa “Eat Bulaga” ng GMA Network.
Kaya nang mag-umpisang lumabas si Zhibarek sa noontime show ng APT Entertainment at Television and Production Exponents, Inc. ay malaki ang kontribusyon nito sa pag-ariba pa ng programa bukod sa mga ambag ng mga datihan na at ibang mga host.
At ngayon nga ay sikat na sikat si Zhibarek lalo na sa pamamaraan ng kanyang panghuhusga at pambubuska sa mga contestant at panauhin ng palatuntunan.
***
Sa proseso ng pakikisalamuha ni Zhibarek sa kanyang mga kasama sa show ay lumalabas ang kanyang tunay na kulay, halimbawa’y sa paghanga sa kababaihan o sa katapat na kasarian.
Hindi na nga mapipigil pa ang paghanga ni Zhibarek sa Brazilian model na si Daiana Menezes na ngayon ay pinagkakaguluhan na sa loob at labas ng showbiz dahil sa kakuwelahan sa pagganap at pagho-host.
Hindi nakaligtas si Daiana sa matatalim na pagtingin ni Zhibarek dahil malaki ang gusto ng binata sa dalaga kaya naman panay ang tuksuhan sa backstage at kahit na sa harap ng kamera.
Ngayon ay talagang kuntodo na ang panliligaw ni Zhibarek sa magandang banyaga.
Marami nang nagbigay ng atensyon at pamimintuho kay Menezes pero si Zhibarek lang nagkaroon ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang kanyang intensyon sa dalagang Brazilian.
Saksi nga si Diane Zoleta, ang managing director ng Star Models sa paniningalang-pugad ni Zhibarek kay Daiana.
***
Samantala, napapag-usapan na rin lang ang pamamayagpag ng mga banyagang modelo sa entertainment industry ng Pilipinas at marami nang reklamo laban sa kanila.
Naghain na nang pormal na reklamo ang Professional Models Association of the Philippines laban sa pagkuha ng mga advertising agency sa Pilipinas sa mga dayuhang modelo kabilang ang mga Brazilian lalo na.
Pinangungunahan nina Phoemela Barranda at Ariel Atendido, ang laban laban sa pagkamasigasig ng mga advertising agency sa pagkuha sa mga foreign models ay pinaiigting na ng dalawa at ng kanilang mga kasama sa organisasyon.
Panahon na anila sa pagtangkilik sa mga kababayan kaysa sa dayuhan.
May akusasyon na talagang pinabababa pa ng mga dayuhang modelo ang presyo nila sa paggawa ng komersyal kaysa mga Filipino.
Narito naman ang panig ni Diane dahil apektado siya sa dahilang siya ang manager ni Daiana.
***
“This is my side of the story. Kasi, hindi naman simple lang ang pagkuha ng talents para sa commercial o sa print ad. Maraming konsiderasyon. Like, sa unang may mga go-see.
“Ang gagawin naming mga agent, magpapapunta kami sa mga audition. Ngayon, ang nangyayari, may mga talents na hindi makakapunta. Iba-iba kasi, ang mga proseso at attitude ng mga Filipino talents.
“May mga nagpupunta sa audition na may mga kaya sa buhay at saka mga estudyante. Meron namang nagpupunta na alam mong hindi deserving. Pero, may mga pagkakataon na ang mga hindi inaasahan ang nakukuha,” pahayag ni Diane.
***
Ang nangyayari, ayon kay Zoleta, ay may mga schedule na hindi nakakapunta ang mga Filipino talents o kaya ay hindi sila nakakabalik pero sila ang nakuha at gusto ng kliyente.
“May mayayayaman naman na hindi na babalik dahil tinamad na o kaya naman ay hindi pansin ‘yong ganyan dahil kaya na naman nila ‘yan. Kayang-kayang ibigay ‘yan ng kanilang mga magulang.
“E, sino ba naman ang kailangan at bagay sa mga produkto na iniendorso sa mga commercial? Di ba, parang mas kailangan ang mga tulad nina Bianca Araneta o Lucy Torres. Mayayaman at kayang-kayang alagaan ang kanilang mga sarili. Pero konti lang sila.
“May mga estudyante naman na puwede pero ‘yon nga, mas uunahin nila ang pag-aaral dahil may allowance naman silang makukuha sa kanilang mga parents. ‘Yong mahihirap naman, kadalasan, kailangan pa ang improvement sa sarili para mag-fit sa role sa commercial,” paliwanag ni Diane.
***
Sa maikling salita, ang problema ngayon ay ang aktitud ng mga modelo.
Hindi ang lahi ang talagang problema kundi ang kaartehan ng mga Filipino na kadalasan ay nawawalan ng proyekto.
“May problema tayong mga Filipino sa pagtrato natin sa buhay at sa propesyon. Masyado tayong undisciplined kaya walang nangyayari sa ating mga buhay sa modeling.
“Hindi naman sa nilalahat ko pero karamihan sa mga Filipino models, masyadong maraming maproblema. Ngayon, kung kailangan na ng mga kliyente ang mga modelo, sino ang ipapalit sa mga Filipinong hindi dumarating sa oras?
“Siyempre, gagawa ng paraan ng kliyente o ‘yong produksyon at kadalasan, ang kinukuha na lang ay ‘yong walang mga problema at dito na pumapasok ang mga foreigners.
“Mas may disiplina ang mga foreigners like the Brazilians kaya naman mas sila ang kinukuha ng mga kliyente dahil nan d’yan sila palagi at may mga professionalism na wala sa mga Filipino models.
“Isa pa, ang talagang bone of the matter ay ang kiliyente. Kasi, sila ang may pera. Nasa kanila ang budget at kailangang magtrabaho lang ang produksyon sa pag-ikot sa budgat na ‘yon,” paliwanag ni Zoleta na hawak din si Paula Taylor at iba pang mga modelong banyaga.
***
Ngayon ay handang makipaglaban si Diane sa sinumang magkukuwestyon sa kanyang integridad bilang tagapag-alaga ng mga foreign talents.
Para sa kanya ay walang dapat sisihin kahit na ang mga banyagang modelo tulad ng mga Brazilian at Brazilian-Japanese tulad nina Daiana, Paula, Akihiro Sato, Vanessa Masunaga, Daniel Matsunaga at marami pang iba.
Sikat na sikat nga naman sina Daniel at Akihiro at talagang pinag-aagawan sila sa mga komersyal at TV show kasama ang pelikula.
Ang payo ni Daine ay magbago ang ugali ng karamihan sa mga Filipino models para magtagumpay at nang hindi matalbugan ng mga foreigner.
“Kasi, kung ‘yon lang ang budget ng producer, kailangang sundin dahil ‘yon lang talaga ang pera,” katwiran ni Zoleta.
No comments:
Post a Comment