TALAGANG kahit kailan ay hindi maglalaho ang ningning at katuturan ni Nora Aunor sa sambayanang Filipino dahil hanggang may uri ang mga tao sa lipunan, nand’yan at sumasalamin si Nora sa buhay ng mga Filipino.
Kaya kahit na isnabin o pagtawanan pa siya ng mga walang magawa at kapos sa pag-iisip, nandito pa rin si Aunor sa ating piling at magsasabog ng walang kamatayang kasuperstaran sa showbiz.
Nag-text kamakailan sa amin ang isa sa masusugid na tagahanga ni Guy na si Lito Sibonga at sinabi niyang si Nora ang nagwagi bilang Greatest Actress of all Time sa Green Globe International Film Award.
Kahit na pagtaasan pa ng kilay o kuwestyunin pa ang kredibilidad at katotohan ng Green Globe International Film Award, nand’yan na ‘yan sa ating kamalayan at si La Aunor ang isa sa mga pinagpipitaganang tatanggap nito ngayong taong ito.
***
Narito ang mensahe sa text ni Lito: “Congrats to Ate Guy and to all Noranians worldwide, Ms. Nora Aunor is No. 1 and big, big winner sa Green Globe Int’l Film Award as World Greatest Actress of all Time!”
Ibig sabihin ay si Nora ang tatanggap ng parangal na ito sa ika-23 Marso, bukas sa California.
Pero sa susunod na araw ang katumbas na araw nito sa Estados Unidos.
Ang timpalak ay nakasalalay sa pagboto ng mga tao kay Aunor para sa on-line voting.
At siyempre’y nagkaisa ang lahat ng mga nagmamahal at naniniwala sa aktres kaya naman marami siyang boto.
Manggagaling sa Canada si Nora sa pagtatanghal niya sa apat na estado ng bansang ito tulad ng Toronto, Alberta, Vancouver at Calgary.
Hindi na talaga mapipigil pa ang kasikatan pa ni La Aunor.
***
Malapit na ring bumalik sa Pilipinas ang bituin at naghahanda na sina Sibonga sa pagsalubong sa kanya.
Ang Grand Alliance for Nora Aunor Philippines o GANAP ay aligaga na sa paghahanda sa pagsalubong sa kanilang dito kaya naman ang mga miyembro nito ay preparado na sa maringal at marangal na pagsalubong.
Idagdag pa ang ibang mga fans club ni Nora na noon pang mga huling taon ng 1960s ay buhay na buhay pa hanggang ngayong milenyo na.
Sa Abril nakatakdang magbalik sa Pinas ang bituin.
***
Samantala, nagbitiw na si Maria Isabel Lopez sa kanyang kandidatura sa pagkakonsehal sa ika-3 Distrito ng Lunsod ng Quezon sa darating na halalan sa Mayo.
Wala nang panahon si Maria Isabel sa pakikipagtunggali sa kanyang mga kalaban sa pulitika at pagtulong na maiangat an gating bansa sa katiwalaan at kahirapan.
Ayon kay Lopez, nagbitiw siya sa kanyang kandidatura dahil sa kaabalahan sa trabaho.
“I have three movies shooting all at the same time kaya wala na akong panahon sa pangangampanya. Magsisimula na ang kampanyahan kaya kailangang mag-decide na ako kung tatakbo pa ako o hindi na sa pagkakonsehal.
“Pero nakapag-decide na ako at hindi ako nagsisisi. Para sa aking sarili at sa bayan din ang pasya ko. Kung half-baked lang naman ang mangyayari sa akin, ayoko na,” paliwanag ni Maribel.
***
Iniwan na ni Maria Isabel sa ere ang kanyang mga kasama sa partido tulad nina Arnell Ignacio, Ricky Davao, Glenda Garcia, Alfred Vargas at Roderick Paulate na pursigido talagang maglingkod sa bayan sa anumang paraan lalo na at idinaan sa madamyento ng taumbayan sa Quezon City.
Sa ilalim ng kandidatura ni Annie Susano sa pagkaalkalde ng lunsod ang pamamarali ng mga artistang ito pero ayon kay Maribel, tutulong pa rin siya sa kanyang mga dating kasama sa tiket.
Nagtungo sa upisina ng Commission on Elections si Lopez kamakailan para wakasan ang kanyang registrasyon sa pagtakbo sa konseho ng siyudad.
“Si Glenda, talagang hindi siya susuko. Tutulungan siya ng kanyang kapatid na si Melissa Mendez para manalo. Tutulong din ako sa kanya,” pahayag ni Lopez.
Star Patrol (for Saksi, March 22, 2010)
Boy Villasanta
Nora Aunor, World’s Greatest Actress of all Time sa Green Globe International Film Award sa US
HANGGANG ang Pilipinas ay isang bansa at lipunang may pagkakahati-hati ang mga uri ng mga tao, mananatiling sinasalamin ito ni Nora Aunor kaya naman kahit kailan ay mananatili siyang sikat at napapanahon sa bawat kasaysayan ng kanyang pagiging aktres sa bansa.
Hanggang may uri ang mga nilalang sa lipunang ito, para sa masa ang kailangang hakbang ni Nora at kailangang panindigan na niya sa mga sandaling ito lalo na pag umuwi na siya sa Pilipinas.
At ang mga tagahanga niya ay walang kupas kaya paano masasabing siya ay laos na?
Maaaring sa hanay ng mga kabataan ay hindi na siya masyadong kilala pero ang mga magulang ng mga kabataang ito ay may katungkulan na ipaliwanag at buhayin ang mga karapatan ni Aunor para sa paghanga ng bagong henerasyon.
***
Kung naglaho na ang kanyang ningning ay disin sana’y hindi na siya nanalo sa Green Globe International Film Award bilang World’s Greates Actress.
Kahit na kuwenstyunin pa ang kredibilidad ng award-giving body na ito ay matalos na si Nora ang ibinoto ng mga nagmamahal at bumibilib sa kanya sa buong daigdig.
Sa pamamagitan ng on-line voting ay nagkaisa ang mga Noranians na ang kanilang dapat ihalal at manalo.
Kaya hindi nagpatumpik-tumpik ang mga maka-Nora Aunor para siya ay magwagi sa paligsahang ito.
Narito ang kabuuang text message ng isa sa masusugid na tagahanga ng aktres na si Lito Sibonga: “Congrats to Ate Guy and to all Noranians worldwide, Ms. Nora Aunor is No. 1 and big, big winner sa Green Globe Int’l Film Award as World Greatest Actress of all Time!”
***
Tatanggapin ni Nora ang parangal sa ika-23 ng Marso, 2010 sa California o ibig sabihin ay bukas sa oras sa Estados Unidos.
Manggagaling pa kasi ang Superstar sa Canada kung saan siya ay nagtanghal sa apat na malalaking siyuda sa North Americang bansang ito na kinabibilangan ng Vancouver, Alberta, Toronto at Calgary.
Titak na nasiyahang mabuti an gating mga kababayan sa panonood muli sa ginintuang tinig at pag-arte ni Nora sa kanyang mga palabas at pag-awit.
Wala na ngang makakatalbog pa kay Ate Guy sa kanyang mga nakakamtang biyaya sa loob at labas ng Pillipinas, sa loob at labas ng showbiz.
***
Ang Grand Alliance for Nora Aunor Philippines o GANAP ay aligaga na sa paghahanda sa pagsalubong sa kanilang dito kaya naman ang mga miyembro nito ay preparado na sa maringal at marangal na pagsalubong.
Idagdag pa ang ibang mga fans club ni Nora na noon pang mga huling taon ng 1960s ay buhay na buhay pa hanggang ngayong milenyo na.
Sa Abril nakatakdang magbalik sa Pinas ang bituin.
***
Samantala, nagbitiw na si Maria Isabel Lopez sa kanyang kandidatura sa pagkakonsehal sa ika-3 Distrito ng Lunsod ng Quezon sa darating na halalan sa Mayo.
Wala nang panahon si Maria Isabel sa pakikipagtunggali sa kanyang mga kalaban sa pulitika at pagtulong na maiangat an gating bansa sa katiwalaan at kahirapan.
Ayon kay Lopez, nagbitiw siya sa kanyang kandidatura dahil sa kaabalahan sa trabaho.
“I have three movies shooting all at the same time kaya wala na akong panahon sa pangangampanya. Magsisimula na ang kampanyahan kaya kailangang mag-decide na ako kung tatakbo pa ako o hindi na sa pagkakonsehal.
“Pero nakapag-decide na ako at hindi ako nagsisisi. Para sa aking sarili at sa bayan din ang pasya ko. Kung half-baked lang naman ang mangyayari sa akin, ayoko na,” paliwanag ni Maribel.
***
Iniwan na ni Maria Isabel sa ere ang kanyang mga kasama sa partido tulad nina Arnell Ignacio, Ricky Davao, Glenda Garcia, Alfred Vargas at Roderick Paulate na pursigido talagang maglingkod sa bayan sa anumang paraan lalo na at idinaan sa madamyento ng taumbayan sa Quezon City.
Sa ilalim ng kandidatura ni Annie Susano sa pagkaalkalde ng lunsod ang pamamarali ng mga artistang ito pero ayon kay Maribel, tutulong pa rin siya sa kanyang mga dating kasama sa tiket.
Nagtungo sa upisina ng Commission on Elections si Lopez kamakailan para wakasan ang kanyang registrasyon sa pagtakbo sa konseho ng siyudad.
“Si Glenda, talagang hindi siya susuko. Tutulungan siya ng kanyang kapatid na si Melissa Mendez para manalo. Tutulong din ako sa kanya,” pahayag ni Lopez.
No comments:
Post a Comment