HANGGANG ngayon ay nagbabatuhan ng maaanghang na salita ang peryodistang pampelikula na si Chito P. Alcid at ang beauty queen na naging artista na si Azenith Briones.
Ito ay may kaugnayan sa katatapos na 2010 Miss Gay Philippines na inorganisa ni Chito.
Hindi bakla si Azenith pero ang kanyang anak na bading, si Jean Reyes, ay sumali sa paligsahan.
Bagamat nakakuha ng mga espesyal na parangal tulad ng Best in National Costume, 1st Runner-up Miss Photogenic at Miss Papaya Soap, walang napanalunang pangunahing puwesto ang anak ni Briones.
Nagrereklamo si Azenith hindi anya para sa kanyang anak kundi para sa ibang kalahok na hindi nagkaroon ng puwesto.
Ayon sa kampo ni Briones, nakausap niya ang mga hurado at ayon sa mga ito ay malalaki ang ibinigay nilang puntos sa anak nito pero bakit hindi man lang nagkapuwesto.
May hinala ang marami na kung sino lang ang may maraming biniling tiket ay ‘yon ang mananalo at nanalo.
***
Narito ang sagot ni Alcid:
“Kami, magkaibigan kami n’yan ni Azenith. Ganyan naman ‘yan pag may mga judging. Magkasama kami sa isang beauty contest no’n at judges kami pareho.
“Alam mo ba na pagkatapos ng contest, dahil hindi niya nagustuhan ang resulta, nagreklamo siya. Kung anu-ano ang kanyang mga sinabi sa contest. Na kesyo ganito, na kesyo ganire. Nakakaloka kaya hindi ko na pinapatulan ‘yang si Azenith.
“Siyempre, anak niya ‘yan kaya papanigan niya pero sa akin, wala akong kasalanan na hindi man lang nanalo si Jean.”
***
Sinabi ni Chito na marami nga siyang nagawang pabor kay Jean kaya bakit nagmamaktol pa ang ina nito.
“Una, ako pa nga ang nagbigay sa kanya ng number seventeen na tag dahil buwenas nga sa akin ang number seventeen. Kasi, July seventeen ako at maraming magagandang nangyari sa akin na lucky number ang seventeen.
“Tapos, mas marami pang magaganda ang national costume sa mga sumali pero nagkaisa ang mga judges na si Jean ang manalo. Okey lang ‘yon.
“Sa akin, kahit na walang datung, okey lang. Hindi ako nagbibigay ng maraming tiket. Ang mga contestants ang kumukuha. Sinasabi ni Azenith na bumili siya ng tiket.
“Yes, bumili siya ng worth ten thousand pesos. Pero kailan ba niya binayaran ang mga tiket na ‘yon? No’ng the night of the contest na lang. ‘Yon, hindi siya supportive sa akin. Kung talagang supportive siya, uunahin niya akong bayaran.
“Kasi, bakit? Kailangan ko ng pera na pambayad sa event ko pero siya, no’ng night of the show na lang nagbayad ng tiket na kinuha niya,” pahayag ni Alcid.
***
Ayon sa kolumnista, ang mga taga-probinsiya na nais manood ng show ay kanya pang binigyan ng tiket para lang makapanoos.
“Tapos, sasabihin nila na naniningil ako sa tiket at kung sino ang pinakamaraming binili ay siya ang nananalo. Malin ‘yon. Hindi totoo ‘yon.
“Kasi, deserving talaga ang mga nanalo. Marami pang dapat i-improve ang anak ni Azenith at puwede pa siyang sumali next year dahil alam kong marami pang magagawa para sa kanyang sarili.
“Ito lang ang masasabi ko sa isyung ito,” wika ni Alcid.
Star Patrol (for Saksi, March 25, 2010)
Boy Villasanta
Chito P. Alcid, sinagot ang mga akusasyon ni Azenith Briones
MAGKAIBIGANG matalik sina Chito P. Alcid at Azenith Briones.
Mula nang mag-artista ang finalist sa Binibining Pilipinas na si Azenith at maging katambal ni Dolphy sa “Omeng Satanasia” habang siya ay alaga ni Ethel Ramos, isinusulat na siya ni Chito.
Lalo pang umigting ang relasyon nina Briones at Alcid nang sila ay magkasama sa maraming okasyon sa showbiz.
Hanggang ngayon ay nagkakabungguang-balikat pa sila at lalo na nang magdaos si Chito ng kanyang 2010 Miss Gay Philippines sa Music Museum kamakailan.
Isang bonggang gay search ang ginanap ni Alcid na sinalihan ng bading na anak ni Azenith na si Jean Reyes.
***
Sa daloy ng palatuntunan, maraming napanalunan si Jean sa paligsahan kabilang ang Best in National Costume, 1st Runner-up sa Miss Photogenic at Miss Papaya Soap.
Pero sa mga pangunahing puwesto ay walang nakuha si Reyes.
Ito na ang simula ang pagrereklamo ni Azenith.
Pero inilinaw ni Briones na siya ay nagrereklamo hindi para sa kanyang anak kundi para sa ibang kalahok na hindi rin nagkaroon ng matataas na posisyon sa timpalak samantalang anya’y matataas ang mga puntos na ibinigay sa mga ito ng mga hurado.
Ayon kay Briones, sinabi sa kanya ni Neal “Buboy” Tan na malaki ang inilaan nitong score sa anak ng aktres pero nagtataka si Azenith kung bakit hindi man lang napasama sa Miss Gay International, Miss Gay Universe, Miss Gay World, Miss Gay Asia Pacific at Miss Gay Earth ang mga kalahok na binigyan ng matataas na puntos ng mga hurado tulad nina Rudy Fuentes, Toffee Calma, JC Castro, ng pamosong fashion designer na si Erick Valeña at marami pang iba.
***
Iniisyuhan si Alcid ngayon na kung sino ang mga kalahok na bumili ng maraming tiket ay siyang pinananalo nito o pinanalo nito.
Na binago ni Chito ang resulta ng ma desisyon ng mga hurado.
Na iba ang binasa ng mga emcee na sina Maria Isabel Lopez at Dennis Bañez na panalo kaysa sa tunay na pasya ng inampalan.
Na pera-pera lang ang labanan.
Na limandaang tiket ang ibinibigay ni Alcid sa mga contestant na dapat ipagbili ng mga ito at kung sino ang makapagbenta ng ganitong karaming tiket ay siyang panalo.
***
Narito ang panig ni Chito sa kontobersyang ito:
“Kami, magkaibigan kami n’yan ni Azenith. Ganyan naman ‘yan pag may mga judging. Magkasama kami sa isang beauty contest no’n at judges kami pareho.
“Alam mo ba na pagkatapos ng contest, dahil hindi niya nagustuhan ang resulta, nagreklamo siya. Kung anu-ano ang kanyang mga sinabi sa contest. Na kesyo ganito, na kesyo ganire. Nakakaloka kaya hindi ko na pinapatulan ‘yang si Azenith.
“Siyempre, anak niya ‘yan kaya papanigan niya pero sa akin, wala akong kasalanan na hindi man lang nanalo si Jean.”
***
Sinabi ni Chito na marami nga siyang nagawang pabor kay Jean kaya bakit nagmamaktol pa ang ina nito.
“Una, ako pa nga ang nagbigay sa kanya ng number seventeen na tag dahil buwenas nga sa akin ang number seventeen. Kasi, July seventeen ako at maraming magagandang nangyari sa akin na lucky number ang seventeen.
“Tapos, mas marami pang magaganda ang national costume sa mga sumali pero nagkaisa ang mga judges na si Jean ang manalo. Okey lang ‘yon.
“Sa akin, kahit na walang datung, okey lang. Hindi ako nagbibigay ng maraming tiket. Ang mga contestants ang kumukuha. Sinasabi ni Azenith na bumili siya ng tiket.
“Yes, bumili siya ng worth ten thousand pesos. Pero kailan ba niya binayaran ang mga tiket na ‘yon? No’ng the night of the contest na lang. ‘Yon, hindi siya supportive sa akin. Kung talagang supportive siya, uunahin niya akong bayaran.
“Kasi, bakit? Kailangan ko ng pera na pambayad sa event ko pero siya, no’ng night of the show na lang nagbayad ng tiket na kinuha niya,” pahayag ni Alcid.
***
Ayon sa kolumnista, ang mga taga-probinsiya na nais manood ng show ay kanya pang binigyan ng tiket para lang makapanoos.
“Tapos, sasabihin nila na naniningil ako sa tiket at kung sino ang pinakamaraming binili ay siya ang nananalo. Malin ‘yon. Hindi totoo ‘yon.
“Kasi, deserving talaga ang mga nanalo. Marami pang dapat i-improve ang anak ni Azenith at puwede pa siyang sumali next year dahil alam kong marami pang magagawa para sa kanyang sarili.
“Ito lang ang masasabi ko sa isyung ito,” wika ni Alcid.
No comments:
Post a Comment