ANG tsekeng ibinayad sa international na si Lea Salonga para sa concert na “Echoes of Dreams” sa Araneta Coliseum noong November 30, 2009 ay tumalbog dahil closed account na ito.
Ito ang napala ni Lea sa kanyang pagsali sa okasyong ‘yon samantalang siya ay isa nang international star at ang kanyang pangalan ay nabubudburan ng respeto, pagtitiwala at husay.
Narito ang dugtungang kaganapan tungkol sa kasong ito na naganap mula nang maging bahagi kami ng event na ito.
Tinawagan kami ng mahusay na manunulat, sa peryodismo at sa panitikan, na si Ramil Gulle kaugnay sa pagtulong sa concert na ‘yon ni Lea sa panig ng publisidad.
“Kaya lang, Boy, walang budget ito. Tulong lang talaga. Kasi, Foundation kasi ito. Sabi naman ng producer na si Jerome Vinarao, siya rin ang president ng Center for the Arts, Foundation, magbibigay raw siya sa press. Ang sabi ko naman, bakit ka magbibigay, e, Foundation ka nga. Baka mag-react ang mga sponsors mo,” pahayag ni Ramil.
Tumalima nga si Jerome.
At dahil nga kasama ko noon si Gulle sa ABS-CBN news on line at asawa siya ni Sarah Saracho, isa pa ring manunulat at peryodista ngayon sa GMA Network, kapatid ng manunulat din at cultural worker na si Joel Saracho, bukod pa sa maganda ang proyekto at si Lea ang bituin, umoo ako kay Ramil.
***
Inihanda na ang lahat para sa presscon ng “Echoes of Dreams” at ginawa ito sa Palms Country sa Alabang, Muntinlupa City noong ika-28 ng Agosto, 2009.
Bongga ang simpleng press launch pero wala nang maraming perdyosistang pampelikula.
Ang naimbitahan ko na lang ay sina Art Tapalla at Dennis Adobas pero ang huli ay hindi nakarating dahil naipit sa malubhang trapiko sa South Luzon Express.
Nakarating din si Aubrey Carampel ng Channel 7 at ang taga-ABS-CBN na si Cherry Cornell ay nahuli bagamat nakapag-interbyu pa rin kay Salonga sa labas ng lugar ng press launch.
Ang saya-saya ni Lea nang dumating kasama ang kanyang anak na si Nicole na ang ganda-ganda at ismarteng-ismarte. Kasama ni Lea ang kanyang inang si Ligaya Salonga. Nagkuwentuhan pa kami nang kapirot ni Lea habang pumapasok silang mag-iina at mag-lola sa venue.
Pagkuwan ay sumunod sa venue ang asawa ni Lea na si Robert Chien.
***
Maganda ang mga sinabi ni Lea at lumabas pa nga ito sa mga pitak na ito rito sa Bomba Balita at sa Saksi sa Balita mga ilang araw pagkatapos ng okasyon.
Dahil sa kawanggawa ito, aktibung-aktibo ang aktres at inspirado.
Ang nakapagtataka lang ay nang pumasok si Ligaya sa kuwarto at nang makilala si Jerome ay nag-prangka agad siyang na parang may biglang naamoy na hindi magandang magaganap. “What is this all about?”
Siyempre’y sa kaartekulantehan ni Vinarao, nagpaliwanag siya nang taimtim at nakangiti.
Agad namang sumabat si Lea at inilinaw na maganda ang layunin ng concert.
Sa katunayan, ang tulay ni Jerome kay Lea ay ang kapatid ng aktres—ang ampon ng mga Salonga na si Sheilla Habab.
Kaya nakuha ni Vinarao si Salonga ay dahil kay Sheilla dahil ng mga panahong ito ay nagtatrabaho si Habab kay Jerome bilang Production Manager.
Nang mag-press launch, wala si Sheilla roon dahil may iba siyang trabaho.
Bukas ay itutuloy natin ang mga kabanata sa buhay na ito ni Lea kung saan siya ay binayaran ng talbog na tseke. (Itutuloy)
Star Patrol (for Saksi, February 18, 2010)
Boy Villasanta
Lea Salonga, binayaran ng talbog na tseke (Part 1)
HINDI natin akalain na ang isang aktres na may kalibreng internasyunal at tunay na propesyunal na tulad ni Lea Salonga ay makakaranas pa ng mga aberya sa bayaran sa kanyang mga trabaho.
May mga pagkakataon na nakakalusot pa rin ang mga bagay na hindi maganda sa buhay ni Lea.
Nangyari ito nang siya ay makatanggap ng bayad sa pamamagitan ng tseke para sa kanyang partisipasyon sa concert na pinagamatang “Echoes of Dreams” na ginanap sa Araneta Coliseum noong ika-30 ng Nobyembre, 2009.
Hindi ito nalaman ng maraming taga-showbiz pero nakarating sa amin ang balitang ito kaya inihahatid namin sa inyong lahat, mga kaibigan.
Mahalaga ang balitang ito dahil ito ay nagpapahayag ng mga intriga at tsismis—mga katotohanan na bahagi ng buhay, bahagi ng showbiz at bahagi ng tunggalian sa lipunang ito.
Pero ang tseke ay tumalbog.
Ayon kay Lea, closed account na ng tsekeng ibinigay sa kanya.
***
Sa ngayon ay alam nating lahat na naisulat natin ang kaganapang ito rito sa Bomba Balita at sa Saksi sa Balita dahil bahagi tayo ng publisidad ng okasyong ‘yon.
Ito ay dahil kay Ramil Gulle, isang mahusay na manunulat sa peryodismo at panitikan.
Si Ramil ay dating kasapi namin sa ABS-CBN news on line at dahil marami na kaming pinag-uusapan, nakiusap siya sa amin na tulungan siya sa pagpapalaganap ng pagtatanghal ni Lea.
Si Ramil ay asawa ng manunulat sa News and Public Affairs ng GMA Network na si Sarah Saracho na kapatid naman ng magaling ding manunulat at cultural worker na si Joel Saracho.
Kaya paano mo mapapahindian si Gulle?
Ayon kay Ramil noon, walang budget ang pagtatanghal sa publisidad kaya ito ay malinaw na trabahong paghahandog ng pagmamahal.
Tulong lang talaga. Kasi, Foundation kasi ito. Sabi naman ng producer na si Jerome Vinarao, siya rin ang president ng Center for the Arts, Foundation, magbibigay raw siya sa press. Ang sabi ko naman, bakit ka magbibigay, e, Foundation ka nga. Baka mag-react ang mga sponsors mo,” pahayag ni Ramil.
Tumalima nga si Jerome.
***
Ang nakarating lang na peryodistang pampelikula ay si Art Tapalla at si Aubrey Carampel ng GMA Network.
Nakahabol ni Cerry Cornell ng ABS-CBN pero nahuli siya at nakuha si Lea on camera nang makalabas na ito sa venue pero nasa gusali pa ng Palms Country Club sa Alabang.
Malapit lang ang bahay ng aktres sa lugar.
Si Dennis Adobas ay dapat kasali rin sa press launch pero hindi nakarating dahil naipit sa matinding trapiko sa South Expressway.
Ang nag-imbita kina Aubrey at Cherry ay sina Sarah at Ramil, respectively.
Isa pa, may mahal sa buhay si Cornell ani Gulle na special child kaya may puwang sa kanyang puso ang mga nilikhang tulad nito na magko-concert kasama si Lea.
***
Ang saya-saya ni Lea nang dumating kasama ang kanyang anak na si Nicole na ang ganda-ganda at ismarteng-ismarte. Kasama ni Lea ang kanyang inang si Ligaya Salonga. Nagkuwentuhan pa kami nang kapirot ni Lea habang pumapasok silang mag-iina at mag-lola sa venue.
Pagkuwan ay sumunod sa venue ang asawa ni Lea na si Robert Chien.
***
Maganda ang mga sinabi ni Lea at lumabas pa nga ito sa mga pitak na ito rito sa Bomba Balita at sa Saksi sa Balita mga ilang araw pagkatapos ng okasyon.
Dahil sa kawanggawa ito, aktibung-aktibo ang aktres at inspirado.
Ang nakapagtataka lang ay nang pumasok si Ligaya sa kuwarto at nang makilala si Jerome ay nag-prangka agad siyang na parang may biglang naamoy na hindi magandang magaganap. “What is this all about?”
Siyempre’y sa kaartekulantehan ni Vinarao, nagpaliwanag siya nang taimtim at nakangiti.
Agad namang sumabat si Lea at inilinaw na maganda ang layunin ng concert.
Sa katunayan, ang tulay ni Jerome kay Lea ay ang kapatid ng aktres—ang ampon ng mga Salonga na si Sheilla Habab.
Kaya nakuha ni Vinarao si Salonga ay dahil kay Sheilla dahil ng mga panahong ito ay nagtatrabaho si Habab kay Jerome bilang Production Manager.
Nang mag-press launch, wala si Sheilla roon dahil may iba siyang trabaho.
Bukas ay itutuloy natin ang mga kabanata sa buhay na ito ni Lea kung saan siya ay binayaran ng talbog na tseke. (Itutuloy)
Boy Villasanta (for Bomba, February 19, 2010)
Nang magbitiw ang singer na si Myrus sa concert ni Lea Salonga (Part 2)
PATULOY ang pagsasalaysay natin ng pagtalbog ng tsekeng ibinayad kay Lea Salonga ng prodyuser ng pagtatanghal na “Echoes of Dreams” sa Araneta Coliseum noong ika-30 ng Nobyembre, 2009.
Sa press launch nga ay kumanta pa ang makakasama sana ni Lea Salonga sa show na si Myrus.
Si Myrus na nagpasikat muli ng kanyang kantang “Sayang” ni Claire de la Fuente.
Si Myrus na ang talent manager ay si Chris Cajilig na nagtapos ng Journalism sa UST Faculty of Arts and Letters.
Ilang araw bago ang pagtatanghal ay umatras si Myrus sa pagsali sa concert sa kanyang sariling pagpapasya at sa desisyon ng kanyang manager.
Pero ang ibang mga kasali na grupo, autistic, battered women, drug addict rehabilitated at iba pang marginalized na tao ay sumali pa rin maliban sa isang samahan.
May mga organisasyon kasi na kinausap si Jerome Vinarao, ang presidente ng Center for the Arts Foundation, ang producer din ng show, upang makabahagi sa pagtatanghal at may mga kasunduan ang mga ito.
***
Pati si Ramil Gulle na volunteer ng publisidad at iba pang may kaugnay sa komunikasyon ay nagbitiw na rin nang dahil sa nabalitaan niyang may iregularidad sa panig ng produksyon.
Kaya kami ay nagpasyang hindi na rin kasali pero intresado pa rin kaming mapanood ang show kaya tinandaan namin ang petsa ng pagtatanghal.
Nang sumapit ang November 30, 2009 ay nais naming pumunta sa Big Dome para mapanood ang show pero nawalan kami ng panahon.
At dahil nga wala na kaming narinig na balita tungkol dito ay nakiramdam na lang kami.
Pero bago mag-Pasko ay nag-guest sa “Master Showman Walang Tulugan” sa GMA Network ni German Moreno ang grupo ng mga kabataang nagpapaka-tenor na Angelos at nasabi ng mga miyembro nito na ang pinakahuli nilang pagtatanghal ay sa Araneta Coliseum kasama si Lea kaya napagtanto naming natuloy kung gayon ang “Echoes of Dreams.”
***
Pero pagkaraan ng ilang panahon ay wala rin kaming nabalitaan hanggang sa sabihan kami ng aming patnugot sa ABS-CBN news on line na may lumabas sa Facebook ni Lea na hindi siya nabayaran sa “Echoes of Dreams.”
Kaya binasa namin ang mga nakasulat sa Facebook ni Lea at nagpapahayag ito ng maraming mga insidente kaugnay sa hindi pagbabayad sa kanya nang tama sa concert.
Una’y itinanggi ni Salonga na malapit na malapit sila ni Jerome dahil sa pagsasabi ng huli sa kanyang mga estudyante na malapit na malapit sila ni Lea.
Ang pagpapahayag ni Jerome ay naganap sa loob ng silid-aralang Center for the Arts na parang isang tuwirang bar kung saan may entablado at may mga silya at pagkatapos ng pagtuturo o palihan ni Jerome ay makapagtatanghal ang mga mag-aaral.
Ayon kay Lea sa kanyang Facebook: “Just so you know, I am not now nor have been a close friend of Jerome Vinarao (Echoes of Dreams). All claims to the contrary are false. As in ALL!”
***
Nang makausap namin si Jerome ay sinabi niyang hindi naman niya sinasabing malapit silang magkaibigan ni Lea.
“I have never said that I am very close to Lea. What I was just saying was I was a very bog fan of hers,” pahayag ni Vinarao.
Sinabi ni Jerome na talagang nakaapekto sa kanya ang mga nabasa ng mga tao sa Facebook ni Salonga.
Pero ayon naman sa isang manunulat na malapit kay Lea, bastat ang ginawa lang ng aktres ay para makapagpahayag ng kanyang pansariling panig at para makapagpaalala sa ibang tao na baka maulit pa ang ganitong pangyayari. (Itutuloy bukas)
Star Patrol (for Saksi, February 19, 2010)
Boy Villasanta
Biglang nagbitiw ang singer na si Myrus sa concert ni Lea Salonga (Part 2)
SA mga sandaling ito ay patuloy ang pagratsada ng mga balita at alingasngas kaugnay sa pagtalbog ng tsekeng ibinayad ng prodyuser ng pagtatanghal na “Echoes of Dreams” noong ika-30 ng Nobyembre, 2009 sa pamamagitan ng Center for the Arts Foundation.
Matatandaan na maraming mang-aawit na dumalo sa press launch ng pagtatanghal sa Palms Country Club sa Alabang kabilang si Myrus, ang isa sa mga baguhang singer na nagpasikat muli ng pamosong kanta ni Claire de la Fuente na “Sayang.”
Nagparinig din ng awitin ang isa sa mga alaga ng Center for the Arts na isang batang lalaki at ang kapatid na babae ng peryodistang si Patricia Evangelista na nasa pangangalaga ng isang drug rehab sa Batangas.
Pagkatapos ng pakikipagtalaimtam sa mga peryodista noong ika-28 g Agosto, 2009 ay nagpatuloy ang buhay para kina Lea at sa Center for the Arts na siyang naghanda ng pagtatanghal.
Humigit-kumulang kasi sa apat na buwan ang preparasyon ng concert kaya nagpatuloy ang iba-iba pang aktibidades ng mga kalahok.
***
Hanggang ilang araw bago ang takdang pagtatanghal ay nag-back out si Myrus nang dahil sa desisyon ng kanyang talent manager na si Chris Cajilig.
Ang hakbang ay mula rin sa pasya ni Myrus.
Samantala, nagbitiw na rin si Ramil Gulle, ang kasama namin dati sa ABS-CBN news on line na siyang kumontak sa amin para makatulong sa publisidad ng proyekto.
Ito ay dahil sa mga iregularidad na nararanasan at naririnig ni Ramil tungkol kay Jerome Vinarao, ang presidente ng Center for the Arts at prodyuser ng “Echoes of Dreams.”
Tinanggap naman ni Jerome nang matiwasay ang pagbibitiw ni Gulle bilang isang volunteer sa proyekto.
***
Hanggang lumakad ang mga araw at sumapit ang ika-30 ng Nobyembre noong isang taon.
Nais naming makapanood ng concert ni Lea pero nawalan kami ng oras at upang malaman kung natuloy nga ito.
Napag-alaman naming natuloy nga ito dahil sa pag-awit ng grupong Angelos, ang samahan ng mga kabataang nagpapaka-tenor, sa “Master Showman Walang Tulugan” ni German Moreno.
Pero wala pa rin kaming nabalitaan na iba pang kuwento kaugnay sa concert.
Hanggang kamakailan lang ay sinabihan kami ng aming patnugot sa ABS-CBN news on line na si Trina Lagura na may lumabas sa Facebook ni Lea na hindi siya nabayaran sa kanyang pagkanta sa “Echoes of Dreams.”
At nabasa nga namin ang mga nakalagay sa Facebook ni Salonga kaya inimbestigahan naming ang kaganapan.
***
Una’y itinanggi ni Salonga na malapit na malapit sila ni Jerome dahil sa pagsasabi ng huli sa kanyang mga estudyante na malapit na malapit sila ni Lea.
Ang pagpapahayag ni Jerome ay naganap sa loob ng silid-aralang Center for the Arts na parang isang tuwirang bar kung saan may entablado at may mga silya at pagkatapos ng pagtuturo o palihan ni Jerome ay makapagtatanghal ang mga mag-aaral.
Ayon kay Lea sa kanyang Facebook: “Just so you know, I am not now nor have been a close friend of Jerome Vinarao (Echoes of Dreams). All claims to the contrary are false. As in ALL!”
***
Nang makausap namin si Jerome ay sinabi niyang hindi naman niya sinasabing malapit silang magkaibigan ni Lea.
“I have never said that I am very close to Lea. What I was just saying was I was a very bog fan of hers,” pahayag ni Vinarao.
Sinabi ni Jerome na talagang nakaapekto sa kanya ang mga nabasa ng mga tao sa Facebook ni Salonga.
Pero ayon naman sa isang manunulat na malapit kay Lea, bastat ang ginawa lang ng aktres ay para makapagpahayag ng kanyang pansariling panig at para makapagpaalala sa ibang tao na baka maulit pa ang ganitong pangyayari. (Itutuloy bukas)
No comments:
Post a Comment