WALANG duda, si Vilma Santos talaga ang nagwaging Best Actress, nagsosolo, huh, sa darating na 2009 Gawad Tanglaw para sa Sining at Kultura na gaganapin sa Jose Rizal University sa ika-3 ng Marso, 2010.
2009 dahil ang mga nagsipagwagi nang abante ay ginampanan nila noong isang taon.
Kaya nga makakahinga na nang maluwag ang mga Vilmanians.
Sa katunayan, noon pa nga dapat nakahinga nang maluwag ang mga tagahanga ni Vi dahil sa wala namang reklamo ang mga miyembro ng Gawad Tanglaw sa paglalabas ng mga peryodistang pampelikula ng mga nanalo kaya lang noong unang bugso ng paglalagos ng impormasyon, hindi pa kumpleto ang listahan at wala pang opisyal na pagtatak ng mga opisyales ng organisasyon sa pangunguna ni Dr. Flaviano Lirio, ang tagapangulo ng award-giving body at ng kanyang mga kasapi kabilang ang peryodistang pampelikula at ngayon ay patnugot ng mga aklat ng Atlas Publishing, Inc. na si Terry Cagayat-Bagalso.
Napagwagihan ni Baby Vi ang karangalan para sa kanyang katangi-tanging pagganap sa pelikulang “In My Life” ng Star Cinema.
Matatahimik na sina Jojo Lim at ang iba pang Vilmanians sa pag-aalala na babawiin ang parangal kay Santos.
Anggulo lang naman ‘yon ng balita at isa sa mga paraan para makaakit ng atensyon ng mambabasa pero nakaangkla pa rin sa katotohanan.
***
Sinabi ni Terry na katatapos lang nilang buuin ang lahat ng mga nagwagi sa taong ito kaya naman isinarado na ang opisyal na pagpili at nailahad na ang mga opisyal na panahon.
Si Maria Isabel Lopez ay nagwagi ng dalawang karangalan at kauna-unahan ito sa buhay ng isang makabagong bituin na tulad ni Maria Isabel.
Best Supporting Actress si Maribel para sa mga pelikulang “Kinatay” ng Centerstage Production at Swift Productions at “Tulak” ng Exogain Productions.
Samantala, tabla sa pagiging Best Supporting Actor sina Roderick Paulate para sa “Ded na si Lolo” at Luis Manzano sa “In May Life.”
Hindi pa rin natitinag sina John Lloyd Cruz at Allen Dizon sa pagiging Best Actor para sa mga pelikulang “In My Life” at “Dukot” ng ATD Entertainment, respectively.
***
May karagdagang nanalo sa Best Film. Kung noon ay tatlo lang ang nagwagi, apat na ngayon. Bukod sa “In My Life,” “Dukot,” “Lola” ng Centerstage Production at Swift Productions, inihabol ng Gawad Tanglaw ang “Walang Hanggang Paalam.”
Ang nakapagtataka, kung ang sabi noon nina Cagayat-Bagalso ay ang
nagwagi ring Best Film ang mananalong Best Director kaya panalo sina Olivia Lamasan para sa “In My Life,” Joel Lamangan para sa “Dukot” at Brillante Mendoza para sa “Lola,” walang parangal kina Paolo Villaluna at Ellen Ramos para sa Best Director samantalang sila ang nagdirek ng “Walang Hanggang Paalam. Ito ay ayon sa opisyal na listahan ng nanalo.
At may karagdagan din sa panalo sa Best Screenplay. Kung dati ay si Lynda Casimiro lang ang Best Screenplay Writer para sa “Lola,” Best Screenplay Writer din si Armando Lao para sa “Kinatay.”
Samantala, Best Screenplay rin ang “Walang Hanggang Paalam” pero tulad ng kawalan ni Lynda sa listahan, wala ring pangalan ang mandudulang pampelikula para sa “Walang Hanggang Paalam.”
Best Story naman ang “Dukot” samantalang Best Cinematography naman ang “I Love You Goodbye” ng Star Cinema sa pamamagitan ni Lee Meily at Best Editing ang “Mangatyanan” ni Pats R. Ranyo.
Star Patrol (for saksi, February 11, 2010)
Boy Villasanta
Bukod kay Vilma Santos, may karagdagang panalo sa 2009 Gawad Tanglaw para sa Sining at Kultura
MAKAKAHINGA na ang mga Vilmanians sa pangunguna ni Jojo Lim dahil kumpirmado na ang pananalo ni Vilma Santos para sa 2009 Gawad Tanglaw para sa Sining at Kultura.
Ito ay sa kabila ng alinlangan ng mga tagahanga ni Vilma na babawiin ng Gawad Tanglaw ang parangal kay Santos dahil naunahan ng mga peryodistang pampelikula ang paglalathala ng mga naunang listahan ng panalo ng organisasyon na hindi kumpleto.
Kung hindi kumpleto ay puwede ring hindi opisyal kaya naman nasabi ng kasapi ng Gawad Tanglaw na si Terry Cagayat-Bagalso, isang peryodistang pampelikula at patnugot ng mga libro sa Atlas Publishing House, Inc. na may pupulungin pa sila para pag-usapan ang talagang kumpletong tala ng mga nagwagi.
Pero ngayon ay tahasang sinabi ni Terry na buo na ang listahan nila ng pararangalan sa ika-3 ng Marso, 2010 sa Jose Rizal University sa Shaw Boulevard.
***
Nag-iisa pa rin si Vilma sa kategorya ng Best Actress para sa pelikulang “In My Life” ng Star Cinema.
Pero sa Best Supporting Actress naman, dalawa ang nanalo pero iisang katawan at ito ay walang iba kundi si Maria Isabel Lopez para sa pelikulang “Kinatay (The Execution of P)” ng Centerstage Production at Swift Productions at para sa “Tulak” ng Exogain Productions.
Kaya nga panay ang text at email message ni Maria Isabel na kauna-unahan ito sa kanyang buhay at sa aming palagay ay isa lang sa kakaunting naibigay sa isang artista na higit sa isa at dalawang pelikula.
Nananatiling tabla sina John Lloyd Cruz para sa “In My Life” at Allen Dizon para sa “Dukot” ng ATD Entertainment.
Dalawa na rin ang nanalo sa Best Supporting Actor at ito ay sina Roderick Paulate para sa “Ded na si Lolo” at Luis Manzano para sa “In My Life.”
***
May karagdagang nanalo sa Best Film. Kung noon ay tatlo lang ang nagwagi, apat na ngayon. Bukod sa “In My Life,” “Dukot,” “Lola” ng Centerstage Production at Swift Productions, inihabol ng Gawad Tanglaw ang “Walang Hanggang Paalam.”
Ang nakapagtataka, kung ang sabi noon nina Cagayat-Bagalso ay ang
nagwagi ring Best Film ang mananalong Best Director kaya panalo sina Olivia Lamasan para sa “In My Life,” Joel Lamangan para sa “Dukot” at Brillante Mendoza para sa “Lola,” walang parangal kina Paolo Villaluna at Ellen Ramos para sa Best Director samantalang sila ang nagdirek ng “Walang Hanggang Paalam. Ito ay ayon sa opisyal na listahan ng nanalo.
At may karagdagan din sa panalo sa Best Screenplay. Kung dati ay si Lynda Casimiro lang ang Best Screenplay Writer para sa “Lola,” Best Screenplay Writer din si Armando Lao para sa “Kinatay.”
Samantala, Best Screenplay rin ang “Walang Hanggang Paalam” pero tulad ng kawalan ni Lynda sa listahan, wala ring pangalan ang mandudulang pampelikula para sa “Walang Hanggang Paalam.”
Best Story naman ang “Dukot” samantalang Best Cinematography naman ang “I Love You Goodbye” ng Star Cinema sa pamamagitan ni Lee Meily at Best Editing ang “Mangatyanan” ni Pats R. Ranyo.
No comments:
Post a Comment