RUMARAGASA muli ang grupo nina Dr. Lirio at Terry Cagayat-Bagalso sa pamumudmod na naman nila ng mga tropeyo ng karangalan sa pagdaraos ng Gawad Tanglaw sa mga darating na araw.
Puspusan na ang paghahanda nila sa maringal at marangal na awards night na tiyak na dadaluhan muli ng mga maniningning na mga bituin sa langit-langitan ng pelikula, telebisyon at pangkalahatang arteng Pilipino.
Nagpagwagihan ni Vilma Santos ang Best Actress Award mula sa Gawad Tanglaw, ang asosasyon ng mga guro na nagpapatupad at sumisipat sa mga bating sa showbiz.
Panalo si Vilma sa pelikulang “In My Life” ng Star Cinema.
Samantala, si Maria Isabel Lopez naman ang Best Supporting Actress para sa pelikulang “Kinatay (The Mutilation of P)” ng Centerstage Productions at Swift Productions.
***
Maligayang-maligaya si Maria Isabel sa kanyang karangalan dahil kauna-unahan ito sa kanyang kasaysayan sa pagganap sa pelikulang Tagalog.
“I’m very excited about the award. Talagang ipinagdasal ko ito sa Diyos. Mabait talaga ang Diyos sa akin. Wala na akong mahihiling pa sa buhay na ito,” pahayag ni Lopez.
Nagpapasalamat din siya kay Brillante Mendoza, ang kanyang direktor sa pelikula sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na makalabas sa ganitong klase ng pelikula.
“Hindi ako pinabayaan ni Dante (isa pang pangalan ni Brillante) sa pelikulang ito. Dati, kay Rosanna Roces lang ito pero tinanggihan niya at nang i-offer sa akin, matagal akong nag-decide pero it’s worth it,” sabi ni Maribel.
***
Tatlo ang Best Picture sa Gawad Tanglaw at ang mga ito ay ang “Lola” ng Centerstage Productions at Swift Productions “In My Life” at “Dukot” ng ATD Entertainment.
Nagwagi namang Best Actor sina Allen Dizon para sa “Dukot” at John Lloyd Cruz para sa “In My Life.
Best Supporting Actor naman si Roderick Paulate sa obrang “Ded na si Lolo” na siyang ipinadala ng Film Academy of the Philippines sa pilian ng mga finalists sa kategoryang Best Foreign Language Film ng AMPAS o Academy for Motion Picture Arts and Sciences.
***
Nagpapasalamat si Dennis C. Evangelista, ang manager ni Allen sa pagkilala nina Terry kay Dizon bilang aktor. Tiyak na sasabihin ni Dennis na vindicated si Allen sa kritisismo na nakamtan niya sa akin na nalathala sa ABS-CBN news on line na ang tunay na nangyari ay inilahad na namin kay Evangelista at sa kolum na ito.
Sa mga susunod na araw ay ibabalita namin sa inyo kung kailan ipapamahagi ang mga parangal.
Ang Gawad Tanglaw ay isang organisasyon ng mga akademiko na kumalas sa Pasado, isa pa ring grupo ng mga titser na nagbibigay ng award sa pelikula.
No comments:
Post a Comment