Kanta tungkol sa Maguindanao, inilunsad ni Freddie Aguilar
INILUNSAD ni Freddie Aguilar ang kanyang bagong kanta tungkol sa kaguluhan sa Maguindanao kamakailan sa kanyang Ka Freddie’s Bar sa panulukan ng Pedro Gil at Adriatico Street sa Malate.
Ito ay isang pagtunghay sa trahedya sa Maguindanao na binudburan ni Freddie ng kanyang pananaw tungkol sa kasaysayan ng isang panlipunang pulitika at kalakaran ng buhay sa bansang ito.
Inimbitahan niya kami sa pagtitipong ito pero hindi talaga kami pumunta dahil alam naman naming marami pa ang magkakapagko-cover nito dahil ang halos lahat nga ay naghahanap sa kanya at nais makuha ang kanyang pahayag kaugnay sa naganap na pagkakahuli sa kanyang pamangkin na si Jason Ivler.
Si Jason ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Renato Victor Ebarle, Jr., anak ng isa sa mga opisyal ng MalacaƱang na si Reneto Victor Ebarle, Sr.
***
Isa pa’y maraming nangyari sa amin ni Freddie bago at pagkatapos na lumabas sa pahayagang ito at sa Saksi sa Balita ang kanyang mga pahayag tungkol sa insidente.
Nagsalita siya sa amin bilang peryodista at pag nagtutungo naman kami sa kanyang lugar upang kunin ang kanyang mga pahayag sa anumang isyu o paksa ay gumagamit naman siya ng off-the-record pero sa pagkakataong ito ay hindi.
Kaya nga nakapagtataka kung bakit siya ay galit na galit.
Narito ang naganap sa amin pero dahil nga limitado lang ang espasyo sa isang tabloid, nilagom na lang namin ang kaganapan.
***
Pagkatapos mahuli si Ivler noong dalawang Lunes na ang nakakaraan ay nag-imbita sa akin ang peryodistang pampelikula na si Dennis Adobas na pumunta kina Aguilar para makuha ang pahayag nito.
Sinabi ni Dennis na babatiin din namin si Ka Freddie sa pagwawagi nito sa South Korea.
Pero naging abala ako ng araw na ‘yon at si Adobas ay naiwan sa National Commission for Culture and the Arts kausap sina Cecille Guidote-Alvarez at Mars Cavestany pagkagaling namin sa presscon ni Manila Archbishop Gaudencio B. Rosales tungkol sa 2nd National Convention of the Clergey na nagsimula noong Lunes.
Hanggang nag-kinabukasan at pagkatapos ng miting sa kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel ay nagtungo kami sa Ka Freddie’s dahil nais ding makilala ni Jowee si Freddie.
***
Pagdating namin doon ay nasa labas ang dalawang peryodistang pampelikula na sina Anthony Solis at Cielo samatalang kalalabas lang sa pinakapinto ng bar si Raymund Vargas.
Pumasok kami sa loob at sumunod sina Anthony at Cielo bagamat hindi pa namin nakita si Raymund.
Nang maipakilala ko na si Morel kay Aguilar ay umalis na ang direktor para puntahan ang kanyang kapatid na flight stewardess.
Sa maikling salita, tinanong namin si Freddie kung nanalo nga ba siya sa South Korea at ang sabi niya’y noong isang taon pa ‘yon na kasama niya si Iza Calzado.
Ang kasunod naming tanong ay kumusta na ang nagaganap kay Jason.
Ang sabi niya’y nang makausap niya si Jason ay sinabi nitong wala naman siyang kinalaman sa paratang pero sinabi niyang pinayuhan niya si Marlene Aguilar, ang ina ni Ivler na isuko na ang anak sa mga awtoridad.
Kaya nga sinisi ni Ka Freddie ang kapatid dahil sa humantong na sa ganito ang nangyari sa pamangkin.
***
Hanggang sa sinulat namin ang istorya sa ABS-CBN news on line at pinatulan ito ng maraming media na hindi makakuha ng pahayag ni Freddie.
Pagkatapos ng isang araw ay tinawagan kami ni Freddie at galit nag alit.
Bastat ang sabi ko sa kanya ay nagpunta ako sa kanyang lugar bilang isang reporter.
Paghahanap ‘yon sa kanya at sa kanyang masasabi sa kaso.
Pero kung anu-ano pa ang kanyang sinabi na kesyo sino raw ba ako samantalang nanghihingi sina Ted Failon, Mario Dumaual, Lhar Santiago, Morly Alinio, Roldan Castro ng pahayag sa kanya pero wala siyang pinagbigyan.
Marami pa siyang sinabi at kulang ang espasyong ito sa mga pahayag niya.
Gayunman, sa pagpapainterbyu niya sa mga TV, radyo, pahayagan, magasin, webcast at iba pang bukal ng impormasyon, ang mga sinabi niya sa amin noong Martes ang siya rin niyang sinabi sa madla.
Ano ba ‘yan?
No comments:
Post a Comment