Wednesday, August 4, 2010

Paano na si Mariel Rodriguez pag nagbalik ang pag-iibigan nina Kris Aquino at Robin Padilla?

HINDI nga ba’t lutang na lutang na ang pagmamahalan nina Mariel Rodriguez at Robin Padilla kaya nga’t wala na sa eksena si Zanjoe Marudo?

Si Zanjoe Marudo na taga-Calauag, Quezon na talagang malakas ang sex appeal pero nagkahiwalay rin nga sila ni Mariel.

Magkasama pa nga ngayon sina Rodriguez at Robin sa kabubukas pa lang na palatuntunang pangtanghali ng ABS-CBN na “Pilipinas Win na Win” kasama sina Kris Aquino at Pokwang at marami pang iba.

Masyado nga bang nagiging masikip ang daigdig para kina Padilla, Mariel at Kris?

Ito ay dahil nagkaroon ng romansa sina Aquino at Robin at isang makulay na ugnayan ‘yon noong mga unang taon ng 1990s.

***

Nagtatanong ang marami kung magiging komplikado ba ang buhay para sa tatlo.

Sa showbiz ay mas malamang na nagkaka-develop-an ang mga nagkakasama sa shooting at taping maliban pa sa madalas na pagsasama sa mga okasyon sa labas kabilang din ang pagtatawagan o paggamit ng cell phone.

Ayon kay Deo Fajardo, Jr., ang manager ni Robin ng panghabambuhay, tingnan na lang anya natin ang mangyayari sa mga susunod na kabanata.

“Pero masaya ako dahil nagkasama na naman sina Kris at Robin. Kasi, sila naman talaga ang nagsimula ng mga ganyan sa TV. Lagi silang magkasama sa mga show kundi man sitcom ay may pagka-drama at laging maraming nanonood sa kanila.

“Kaya ang ‘Pilipinas Win na Win,’ malamang kaysa hindi, ganyan din ang mangyayari. Talagang maganda ‘yan. Hindi sa manager ako ni Robin pero maganda ang chemistry nina Kris at Robin,” sabi ni Deo.

***

Posible kayang manumbalik pa ang pagmamahalan nang pribado nina Aquino at Padilla?

Kasi nga’y diborsiyado na si Robin kay Liezl Sycangco at nasa korte na ang mga dokumento na inihain ni Kris sa pakikipaghiwalay nang pormal kay James Yap.

Ayon kay Kris, maganda naman ang pinag-uusapan ngayon nila ni James.

Alam anya ni Yap ang kanilang tunay na pinagdadaanan.

Handa na talaga ang aktres na talikuran ang pinagsamahan nila ni James.

E, talagang matinik sa babae si Robin at marami ang nagkakagusto sa kanya.

Ngayon pa naman na malusog ang palaruan ng buhay para sa mga taong kasangkot.

***

Hindi nga maiwasan ni Fajardo na magbalik-tanaw sa mga nangyari kina Kris at Robin noon.

“Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang love affair nina Kris at Robin pero alam ko, nagkaroon sila ng relasyon. Kaya lang, hindi ko alam kung nag-break sila,” pahyayag ni Dikong, palayaw ni Deo.

Nagpihit ng kasaysayan si Deo kaugnay sa naging ugnayan nina Kris at Robin sa panahong malapit na malapit sila sa isa’t isa.

“Naku, natatandaan ko, si Inday (Badiday) ang nagpakilala sa kanila sa isa’t isa. Sa Broadcast City pa ‘yon. Di ba, katatapos lang ng EDSA Revolution no’n at naging presidente si Tita Cory? Tapos, nang mag-guest si Kris sa ‘See-True,’ ang taas ng ratings no’n. Si Robin naman, sikat na sikat na no’n.

“Simple lang manligaw si Robin. Kuwento nang kuwento lang ‘yan. Naku, alam ko lahat ‘yan. Pero ngayon, ayaw ko munang magsalita. Kasi, baka sabihin, sa akin nanggaling ‘yan.

“Pero ang isa pang hindi ko makakalimutan ay no’ng magsuntukan sina Robin at Richard (Gomez) sa bahay mismo ni Presidente Cory sa may Malacanang. Di ba, may bahay siya no’n sa Arlegui? ‘Yon ang tinirhan ni Tita Cory no’n, e. Kami nina Douglas (Quijano) ang nando’n. Kasi, ako ang kasama ni Robin, si Douglas, bilang manager ni Richard, siya ang kasama.

“Tapos, bigla na lang nagsuntukan sina Richard at Robin sa may swimming pool. Naku, ‘yong mga maids ni Kris, nagkakagulo na. Tumatawag na ng saklolo. Si Kris, hindi makapagsalita.

“Tapos, nakita ni Presidente Cory ‘yong dalawa. Sabi niya, ‘Kris, they punching each other.’ Sabi naman ni Kris, ‘Mom, umaarte lang sila.’ Pero siyempre, gusto lang ni Kris na mapagtakpan ‘yong nangyayari. Pero talagang nakita na ni Presidente Cory ‘yong eksena.

“Mabuti na lang at na-settle ni Presidente Cory ang lahat. Talagang kinabahan din kami no’n. Naku, hindi ko talaga makakalimutan ‘yon,” kuwento walang kaprenu-preno ni Fajardo, Jr.

Star Patrol (for Saksi, August 4, 2010)

Boy Villasanta

Kris Aquino at Robin Padilla, magkabalikan pa kaya?

NAGBABALIK ang mga alaala ng dating peryodistang pampelikula at ngayon ay direktor nang si Deo Fajardo, Jr.

Si Deo Fajardo, Jr. na talent manager ni Robin Padilla.

Ngayong magkasama muli sa isang TV show sina Robin at Kris Aquino, hindi maiwasan ni Deo na bumakas ng lumipas.

Sa “Pilipinas Win na Win” ng ABS-CBN ay lumilikha muli ng kasaysayan sina Kris at Robin dahil sa makulay nilang buhay ng mga nagdaang panahon.

Hindi nga ba’t marubdob ang naging romansa nina Padilla at Aquino noong mga unang taon ng 1990s?

***

Ngayon na naghain na ng legal na pakikipaghiwalay si Kris kay James Yap, ano na ang kahihinatnan ng buhay-pag-ibig ni Aquino samantalang siya ay batambata pa?

Ngayon na magkasama sila ni Robin sa isang show na pang-araw-araw na ibig sabihin ay araw-araw silang magkikita, ano ang nakalaan sa kanila?

Manumbalik kaya ang kanilang damdaming espesyal sa isa’t isa?

Ayon kay Deo, “tingnan na lang natin.”

Kasi nga’y nakipagdiborsyo na rin si Robin sa kanyang asawang si Liezl Sycangco.

Pareho na silang magiging libre sa mata ng Diyos at sa mata ng tao, sa batas ng Diyos at sa batas ng tao.

“Masaya ako dahil magkasama uli sa TV show sina Kris at Robin. Sila naman talaga ang nagsimula ng ganyan sa TV,” wika ng Deo.

***

Ang hindi maiwasan ni Fajardo, Jr. ay ang mga kabanata ng nakaraan sa pagmamahalan nina Kris at Robin.

Hindi nga ba’t bago mag-Robin ay nag-Richard Gomez din si Kris?

At may isa pa ring babae na komon sa buhay nina Padilla at Gomez at siya ay si Melissa Perez-Rubio.

Ganito kakomplikado ang mga eksena ng pag-ibig at pakikipag-ungayan ng isa sa isa kaya naman lumalabas at sumusulpot ang mga tagpo na hindi inaasahan tulad na lang ng kuwento ni Deo.

“Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang love affair nina Kris at Robin pero alam ko, nagkaroon sila ng relasyon. Kaya lang, hindi ko alam kung nag-break sila,” pahyayag ni Dikong, palayaw ni Deo.

Nagpihit ng kasaysayan si Deo kaugnay sa naging ugnayan nina Kris at Robin sa panahong malapit na malapit sila sa isa’t isa.

“Naku, natatandaan ko, si Inday (Badiday) ang nagpakilala sa kanila sa isa’t isa. Sa Broadcast City pa ‘yon. Di ba, katatapos lang ng EDSA Revolution no’n at naging presidente si Tita Cory? Tapos, nang mag-guest si Kris sa ‘See-True,’ ang taas ng ratings no’n. Si Robin naman, sikat na sikat na no’n.

“Simple lang manligaw si Robin. Kuwento nang kuwento lang ‘yan. Naku, alam ko lahat ‘yan. Pero ngayon, ayaw ko munang magsalita. Kasi, baka sabihin, sa akin nanggaling ‘yan.

“Pero ang isa pang hindi ko makakalimutan ay no’ng magsuntukan sina Robin at Richard (Gomez) sa bahay mismo ni Presidente Cory sa may Malacanang. Di ba, may bahay siya no’n sa Arlegui? ‘Yon ang tinirhan ni Tita Cory no’n, e. Kami nina Douglas (Quijano) ang nando’n. Kasi, ako ang kasama ni Robin, si Douglas, bilang manager ni Richard, siya ang kasama.

“Tapos, bigla na lang nagsuntukan sina Richard at Robin sa may swimming pool. Naku, ‘yong mga maids ni Kris, nagkakagulo na. Tumatawag na ng saklolo. Si Kris, hindi makapagsalita.

“Tapos, nakita ni Presidente Cory ‘yong dalawa. Sabi niya, ‘Kris, they punching each other.’ Sabi naman ni Kris, ‘Mom, umaarte lang sila.’ Pero siyempre, gusto lang ni Kris na mapagtakpan ‘yong nangyayari. Pero talagang nakita na ni Presidente Cory ‘yong eksena.

“Mabuti na lang at na-settle ni Presidente Cory ang lahat. Talagang kinabahan din kami no’n. Naku, hindi ko talaga makakalimutan ‘yon,” kuwento walang kaprenu-preno ni Fajardo, Jr.

***

Kung magbabalik ang pagmamahalan nina Robin at Kris, paano na si Mariel Rodriguez na balitang-balitang syota ng action star?

Magiging trayanggulo kaya ang eksena?

Pero bilang mga makabago at matatapang na babae, hindi sila papayag na may mga kahati sila sa pagmamahal ng kanilang sinisinta.

Hindi nga ba’t ipinaglalaban ni Kris ang kanyang pag-ibig lalo na at alam niyang siya ang nasa tama?

No comments:

Post a Comment