Monday, June 21, 2010

Meryll Soriano at Joem Bascon, puwede nang magpakasal

SA hanay ng mga magkakasintahan sa showbiz, ang puwede nang magpakasal ay sina Meryll Soriano at Joem Bascon.

Talagang kitang-kita sa kani-kanilang mga mata ang nag-uumapaw na pagmamahal sa isa’t isa.

Kung makikita lamang ninyo sila sa mga sosyalan at ibang lugar na pampubliko at sila ay magkasama, kikiligin kayo sa tuwa dahil para silang mga tin-edyer na nagmamay-ari ng daigdig.

Parang sila lang ang mga tao sa mundo.

Kinantiyawan nga namin si Meryll at sinabing ang guwapu-guwapo ng kanyang boyfriend at napangiti lamang ang kauna-unahang Pinakamahusay na Aktres sa Cinemalaya Independent Film Festival noong 2004.

Parang nahihiya pa sa pagngiti si Soriano pero talaga namang ang guwa-guwapo ni Bascon.

***

Sinabi ni Meryll na mahal na mahal niya si Joem at nagtutulungan sila sa pag-angat ng kani-kanilang career at personal na buhay.

Siyempre’y kapwa naghahangad ng magandang puwang sa ilalim ng araw ang dalawang nilalang na ito.

Kahit na nga ba anak si Soriano ni Willie Revillame kay Becbec Soriano na kapatid na kapatid ni Maricel Soriano, kailangan ding magsikap para sa kanyang sarili ang batang aktres.

Hindi maipaliwanag ni Soriano ang kanyang kaligayahan sa pagkakaroon ng katipan na tulad ni Bascon na bukod sa mabait ay magandang-lalaki pa.

Noong una ay iwinangki pa ni Joem kay Piolo Pascual dahil para sila anang mga tagapag-obserba na pinagbiyak na bunga sa kaguwapuhan.

Noon nga ay may video scandal ay inakusahan na ang Piolo na nakikipaghalikan sa kapwa lalaki ay si Joem pero napawalang-bisa ang lahat ng intrigang ‘yon sa pamamagitan nang patuloy na pagpapakaaktibo nina Joem at Piolo sa industriya ng pelikula at pabayaan na lang ang lahat ng mga tsismis.

***

Kaugnay naman kay Willie, sinabi ni Meryll na panay lang ang bakasyon ngayon ng kanyang ama mula sa pagho-host ng “Wowowee” sa ABS-CBN.

Ngayon ngang hindi dumarating si Revillame sa programa ay nagsabi ni Meryll na magpahinga na lang muna ang kanyang tatay.

“’Yon po, kung saan-saan nagpupupunta si Papa. ‘Yon, laging naggo-golf,” pagtatapat ni Soriano na may pelikula na naman sa ika-6 na Cinemalaya, ang “Donor,” ang dating “Isang Pirasong Buhay,” ang isa sa mga napiling lahok sa Directors Showcase, ang bagong kategorya ng mga beteranong filmmaker sa kasalukuyang Cinemalaya, na idinidirek ni Mark Meily.

Ayon kay Soriano, wala pang katiyakan ang pagbabalik ng kanyang ama sa Channel 2 at wala rin siyang alam sa mga alok dito kung may offer nga ba ang komedyante na mag-host sa Associated Broadcasting Corporation o ABC Channel 5, mas kilala ngayon sa tawag na TV5.

***

Naghihintay rin si Meryll sa pagdalaw ni Bernard Palanca sa kanilang tatlong gulang na anak.

Matagal nang hindi bumibisita ni Bernard sa kanyang baby kaya naman naiinip na si Meryll.

Gusto na niyang kulitin ang ama ng kanyang anak pero mas nangingibabaw na pabayaan na lang niya ito sa pagpunta sa kanila at madalaw ang kanilang supling.

Star Patrol (for Saksi, June 21, 2010)

Boy Villasanta

Naghihintay pa rin si Meryll Soriano sa pagdalaw sa kanya ni Bernard Palanca pero puwede na silang ikasal ni Joem Bascon

SA wakas ay nakakita rin si Meryll Soriano ng lalaking kanyang mamahalin.

Kung hindi sila nagkapuwede ni Bernard Palanca na magsama nang habambuhay, nand’yan naman sa isang tabi si Joem Bascon na kasintahan na niya nang pitong buwan.

May katagalan na rin ang romansa nina Meryll at Joem at talagang kitang-kita sa kanilang mga mata ang pagmamahalan sa isa’t isa.

Kaya nga kahit na saan na may pagkakataon na magkasama ang dalawa ay hindi nila pinapalagpas.

Kung abala ang isa sa trabaho o iba pang opisyo, kailangang may panahon ang isa’t isa sa pag-uulayaw.

Tulad na lang nang magkasama sila sa Cinemalaya Independent Film Festival press conference sa lobby ng Main Theater ng Cultural Center of the Philippines kamakailan.

Nakakaanim na taon na ang Cinemalaya at may lahok kapwa sina Joem at Meryll.

Si Bascon ay kasama sa “Rekrut” ni direktor Danny AƱonuevo samantalang si Soriano ay bituin sa “Donor,” ang dating “Isang Pirasong Buhay” na pinamamahalaan naman ni Mark Meily.

***

Kahit na magkalayo ang mesa na kinauupuan ni Meryll sa mesa ni Joem ay talagang pumupintig ang kanilang mga puso sa isa’t isa.

Para sa kanila ay parang sila lang ang tao sa mundo bagamat ang mga isip nila ay nakapako sa kani-kanilang papel na mga bituin at kailangang tanungin ng mga peryodistang pampelikula para maipahayag sa publiko.

Kung puwede na lang nga ba ay puwede nang magpakasal sina Soriano at Bascon.

Kahit nga si Meryll ay aminadong maaari na silang humarap sa dambana at pagsaluhan ang lahat ng mga biyaya ng kalikasan sa kanilang buhay.

***

Sinabi ni Meryll na mahal na mahal niya si Joem at nagtutulungan sila sa pag-angat ng kani-kanilang career at personal na buhay.

Siyempre’y kapwa naghahangad ng magandang puwang sa ilalim ng araw ang dalawang nilalang na ito.

Kahit na nga ba anak si Soriano ni Willie Revillame kay Becbec Soriano na kapatid na kapatid ni Maricel Soriano, kailangan ding magsikap para sa kanyang sarili ang batang aktres.

Hindi maipaliwanag ni Soriano ang kanyang kaligayahan sa pagkakaroon ng katipan na tulad ni Bascon na bukod sa mabait ay magandang-lalaki pa.

Noong una ay iwinangki pa ni Joem kay Piolo Pascual dahil para sila anang mga tagapag-obserba na pinagbiyak na bunga sa kaguwapuhan.

Noon nga ay may video scandal ay inakusahan na ang Piolo na nakikipaghalikan sa kapwa lalaki ay si Joem pero napawalang-bisa ang lahat ng intrigang ‘yon sa pamamagitan nang patuloy na pagpapakaaktibo nina Joem at Piolo sa industriya ng pelikula at pabayaan na lang ang lahat ng mga tsismis.

***

Kaugnay naman kay Willie, sinabi ni Meryll na panay lang ang bakasyon ngayon ng kanyang ama mula sa pagho-host ng “Wowowee” sa ABS-CBN.

Ngayon ngang hindi dumarating si Revillame sa programa ay nagsabi ni Meryll na magpahinga na lang muna ang kanyang tatay.

“’Yon po, kung saan-saan nagpupupunta si Papa. ‘Yon, laging naggo-golf,” pagtatapat ni Soriano na may pelikula na naman sa ika-6 na Cinemalaya, ang “Donor,” ang dating “Isang Pirasong Buhay,” ang isa sa mga napiling lahok sa Directors Showcase, ang bagong kategorya ng mga beteranong filmmaker sa kasalukuyang Cinemalaya, na idinidirek ni Mark Meily.

Ayon kay Soriano, wala pang katiyakan ang pagbabalik ng kanyang ama sa Channel 2 at wala rin siyang alam sa mga alok dito kung may offer nga ba ang komedyante na mag-host sa Associated Broadcasting Corporation o ABC Channel 5, mas kilala ngayon sa tawag na TV5.

***

Naghihintay rin si Meryll sa pagdalaw ni Bernard Palanca sa kanilang tatlong gulang na anak.

Matagal nang hindi bumibisita ni Bernard sa kanyang baby kaya naman naiinip na si Meryll.

Gusto na niyang kulitin ang ama ng kanyang anak pero mas nangingibabaw na pabayaan na lang niya ito sa pagpunta sa kanila at madalaw ang kanilang supling.

No comments:

Post a Comment