Monday, May 24, 2010

Ria Garcia at Nikki Bacolod, dalawang young stars na loveless

NAGKRUS ang landas nina Ria Garcia at Nikki Bacolod nang mag-guest kamakailan si Ria sa TV show na “Maynila” ng GMA Network.

Papel ng mang-aagaw ng ksinatahan ang ginampanan ni Ria at si Nikki ang kanyang karibal.

Mula noon ay naging malapit na sila sa isa’t isa.

Ayon kay Garcia, madaling makagananan ng loob si Nikki kaya naging super magkaibigan sila.

“Wala pong kaartehan sa katawan si Nikki and we enjoy each other’s company,” pahayag ni Ria na female image model ng Cotton Club kasama si Jason Abalos.

“Ngayon po, si Nikki na lang lagi ang kasama ko sa lahat ng mga lakad ko pag wala akong shoot o taping,” sabi ni Ria.

***

Limang taon na si Garcia sa showbiz at ngayon lang siya nakatagpo ng kanyang best friend.

Nagkita sina Bacolod at Ria sa taping ng “Maynila” na parang matagal nang magkakilala.

“It was amazing. Magaan agad ang feelings namin sa isa’t isa kaya no wonder, madali kaming naka-adjust sa friendship naming,” wika ni Ria na ang ganda-ganda sa personal.

Kung sa sa tunay na buhay ay buhay na buhay at ang seksi-seksi at ang puti-puting parang porselana ni Ria, mas maganda siya sa larawan.

Pagmasdan ninyo ang kanyang mga litrato at kayo na rin ang magsasabing may karapatan siyang makilala at sumikat sa showbiz.

***

Beterano na ng siyam na palatuntunang pantelebisyon si Ria nang siya ay ipakilala sa soap operang “Gulong ng Palad” nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales.

Papel ni Rica ang ginagampanan ni Ria sa drama series na ito at ang doktor ng Executive Producer ng show ang nagrekomenda kay Garcia na subukan ang showbiz.

Mula noon ay tumatak at niyakap na ng bituin ang daigdig ng aliw.

Pagkatapos na ipalabas ang “Gulong ng Palad” ay isinama ng ABS-CBN si Garcia sa “About Ur Luv” bilang kapatid ni Sandara Park samantalang kapatid rin siya ni Heart Evangelista sa “Hiram na Mukha.”

Co-worker naman siya ni Kim Chiu sa “Maligno” ng Channel 2 pa rin at sa “Diosa” ni Anne Curtis, isang fairy ang kanyang karakter, so Maya na umibig kay Mars na ginampanan ni Zanjoe Marudo.

Nag-guest na rin siya sa “Midnight DJ” ng Channel 5 at “Banana Split” ng ABS-CBN.

Samantala, ang kanyang mga pelikula ay “Status: Single” at “Umboy and Berns” na kapwa proyekto ng Viva Entertainment.

Kasalukuyan siyang kasama ni Sarah Geronimo sa “Superstar Online” na mapapanood sa Internet bastat bumisita lang sa www.superstar.ph.

***

Kapwa walang mga boyfriend sina Nikki at Ria at wala silang pakialam.

“I enjoy every minute of my single-blessedness. Siguro, the guy hasn’t come along yet,” makatotohanang pahayag at pagtanggap ni Garcia sa mga katotohanan ng buhay.

“No, I am not cold. Maybe because I just don’t wanna be in a situation na hindi pa ako suited,” wika ng dalagang lumaki sa Estados Unidos pero nagpatuloy ng kanyang high school at college sa Maynila.

Nagtapos na ng Bachelor of Arts in Communication mula sa Miriam College si Ria at ngayon ay nakatutok sa pelikula at telebisyon.

Star Patrol (for Saksi, May 24, 2010)

Boy Villasanta

Makapaghihintay ang pag-ibig kina Ria Garcia at Nikki Bacolod

WALANG pakialam sina Ria Garcia at Nikki Bacolod na kapwa sila walang boyfriend pero ang gaganda naman nila at sikat na sikat.

Limang taon na sa showbiz si Ria at marami na siyang nakilalang mga tao pero ni isang kasintahan ay wala samantalang gayundin si Nikki na kahalubilo ng mga guwapo at may pangalang mga bituing lalaki.

Ayon kay Ria, hindi naman nila minamadali ni Nikki ang pagbo-boyfriend.

“It will come in the most proper manner,” pahayag ni Ria sa isang eksklusibong panayam.

Dalawampung taong gulang si Garcia pero ni paghawak sa kamay ng lalaki ay hindi pa niya nararanasan o kaya ay kahit mag-isip man lang sa kanyang kaibigang lalaki sa romansa.

***

“Sabi po nila, I’m cold pero hindi naman. I just take it easy. Wala naman pong mawawala kung hindi naman ako makipag-boyfriend pa sa ngayon.

“Busya ako sa showbiz kaya nakakakain ng mga commitments ko ang pakikipagrelasyon. And I think that will come in due time,” katwiran ng modelo ng Cotton Club kasama si Jason Abalos.

Aminado naman si Ria na marami siyang kaibigang lalaki.

“Pero boy friends ko sila at wala nang iba. We got out together pero marami kami.

“Isa si Nikki sa mga kasama namin. And we love the going out dahil para kaming mga bata na naglalaro lang. Walang mga commitment at talagang pure enjoyment lang,” wika ni Garcia.

***

Nagtagpo ang landas nina Ria at Nikki nang mag-guest ang una sa “Maynila” ng GMA Network.

Ginampanan ni Garcia ang papel ng katrayanggulo sa pag-ibig ni Bacolod.

Noon ay hindi pa masyadong malapit na malapit sa isa’t isa sina Nikki at Ria pero pagkatapos ng show at taping ay sila na ang laging magkasama sa mga lakaran lalo na ay wala nang pasok sa eskuwela.

Marami ang pumuri kay Garcia sa kanyang pagganap na kontrabida.

“They say that I am very at home with my acting pero kailangan ko pang mahasa nang husto,” pag-amin ng batang aktres.

***

Beterano na ng siyam na palatuntunang pantelebisyon si Ria nang siya ay ipakilala sa soap operang “Gulong ng Palad” nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales.

Papel ni Rica ang ginagampanan ni Ria sa drama series na ito at ang doktor ng Executive Producer ng show ang nagrekomenda kay Garcia na subukan ang showbiz.

Mula noon ay tumatak at niyakap na ng bituin ang daigdig ng aliw.

Pagkatapos na ipalabas ang “Gulong ng Palad” ay isinama ng ABS-CBN si Garcia sa “About Ur Luv” bilang kapatid ni Sandara Park samantalang kapatid rin siya ni Heart Evangelista sa “Hiram na Mukha.”

Co-worker naman siya ni Kim Chiu sa “Maligno” ng Channel 2 pa rin at sa “Diosa” ni Anne Curtis, isang fairy ang kanyang karakter, so Maya na umibig kay Mars na ginampanan ni Zanjoe Marudo.

Nag-guest na rin siya sa “Midnight DJ” ng Channel 5 at “Banana Split” ng ABS-CBN.

Samantala, ang kanyang mga pelikula ay “Status: Single” at “Umboy and Berns” na kapwa proyekto ng Viva Entertainment.

Kasalukuyan siyang kasama ni Sarah Geronimo sa “Superstar Online” na mapapanood sa Internet bastat bumisita lang sa www.superstar.ph.

No comments:

Post a Comment