JETSETTER talaga ang premyadong filmmaker na si Brillante Mendoza, kilala rin sa tawag Dante Mendoza.
Alam ba ninyo na dumating siya noong ika-25 ng Abril, 2010 para lang dumalo sa Gawad Urian ng mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino, ang isa sa kakaunting kapani-paniwalang award-giving body sa bansa?
Ginanap ang Urian awards night noong ika-29 ng Abril, 2010, kahapon at pinaghandaan niya talaga ang gabi ng parangal na ito dahil nga binibigyan siya ng matamang pagkilala ng grupo.
Ang MPP ay samahan ng mga intelektuwal na mga kritiko na naghahatag ng parangal sa mahuhusay sa pelikulang Filipino.
Dalawa-dalawa at sampu-sampu pa nga ang nominasyon ng kanyang mga pelikulang “Kinatay” at “Lola,” kapwa nilikha ng Centerstage Productions at Swift Productions.
***
Mula sa Estados Unidos si Brillante upang dumalo sa paanyaya ng batikan at premyadong Hollywood actor na si Robert de Niro na sinimulan noong ika-22 ng Abril, 2010.
Kinikilala ang film festival na ito ang kakayahan at kagalingan ni Mendoza sa paggawa ng pelikula dahil sa kanyang mga naipakitang birtud sa pagdidirek mula pa sa “Masahista” hanggang sa “Lola” na nagkamit ng iba’t ibang premyo sa maraming international film festival.
Tinatawag din na Tribeca International Film Festival ang sinimulang ito ni de Niro.
Itinatag ang Tribeca sa New York noong 2002 at marami nang naghahangad na mapasali sa pestibal na ito.
At karangalan ng Pilipinas na ang isang kababayan nating si Dante Mendoza ay maimbitahan sa selebrasyong ito.
***
Hindi maiisnab ni Dante ang isang Robert de Niro.
Kasama ang mga pelikula ni Mendoza sa kompetisyon kaya naman hindi siya nakahindi kay de Niro na personal na humiling sa kanyang pagsali sa gawaing ito ng Italian Hollywood actor.
Nagkukumahog naman si Brillante sa pag-uwi dahil nga inirerespeto niya ang mga miyembro ng MPP.
Nakakahigit ang mga Manunuri sa kritikal na pagsipat at pagkilatis sa mga kahalagahan ng isang pelikula sa pag-angat ng lipunan at sa pagtulong na maigabay ang mga manonood sa wastong pelikulang dapat panoorin.
***
Pagkatapos na pagkatapos ng Urian awards night ay nagtungo agad siya sa Ninoy Aquino International Film Festival para makabalik sa Tribeca dahil nga nananabik si Brillante sa pagpapahalaga sa kanya ng mga internasyunal na komunidad ng mga manggagawa ng pelikula.
Pagkatapos sa Tribeca ay pupunta naman si Brillante sa Israel para naman sa pagbibigay sa kanya ng tribute ng bansang ‘yon.
O, laban kayo?
Ang minamaliit ng ibang sektor sa showbiz ay ipinagmamalaki sa maraming panig ng daigdig.
Ano ba naman tayong mga Filipino sa paghatak pababa sa mga makabuluhang tao sa ating lipunan?
Paano ba naman tayo uunlad n’yan?
Star Patrol (for Saksi, April 30, 2010)
Boy Villasanta
Um-attend lang ng Gawad Urian kagabi si Brillante Mendoza at bumalik din sa US pagkatapos
ANO ang maitatawag natin sa premyadong filmmaker na si Brillante Mendoza sa kanyang rikotitos sa lipunang Filipino?
Hindi nga ba’t si Brillante, kilala rin sa tawag na Dante Mendoza, ay panay ang ikot sa iba’t ibang lugar sa mundo lalo na ngayong mga panahong ito?
Jetsetter ang puwedeng ibinyag natin sa kanya, hindi ba?
Kasi nga ay umalis siya noong ika-21 ng Abril, 2010 para dumalo sa prestihiyosong Tribeca International Film Festival sa Estados Unidos at dumating naman noong ika-25 ng buwan ding ito para naman dumalo lang sa pagdiriwang ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino.
***
Kagabi ay idinaos ang Gawad Urian ng MPP sa University of the Philippines Film Institute sa Diliman, Quezon City at nagdiwang ang maraming taga-showbiz.
Sa Cine Adarna ay ginanap ang maringal at marangal na awards night.
Kaya nga nakasentro ang atensyon ng lahat kay Mendoza.
Hindi pa nag-iinit ang puwet ng premyadong direktor ay kailangan naman niyang tumayo para dumiretso sa Ninoy Aquino International Film Festival.
Para kay Dante ay sapat nang kinilala ng mga Manunuri ang kanyang dalawang pelikula, ang “Kinatay (The Execution of P)” at “Lola,” na kapwa nilikha ng Centerstage Productions at Swift Productions.
Napakaraming nominasyon ng mga obrang ito kaya naman tuwang-tuwa si Brillante.
Dapat lang dahil karapat-dapat ang kanyang mga likhang-sining sa pagsulong ng industriya ng pelikulang Filipino.
***
Mula sa Estados Unidos si Brillante upang dumalo sa paanyaya ng batikan at premyadong Hollywood actor na si Robert de Niro na sinimulan noong ika-22 ng Abril, 2010.
Kinikilala ang film festival na ito ang kakayahan at kagalingan ni Mendoza sa paggawa ng pelikula dahil sa kanyang mga naipakitang birtud sa pagdidirek mula pa sa “Masahista” hanggang sa “Lola” na nagkamit ng iba’t ibang premyo sa maraming international film festival.
Tinatawag din na Tribeca International Film Festival ang sinimulang ito ni de Niro.
Kauna-unahan ito sa pagdiriwang ng Tribeca at marami nang naghahangad na mapasali sa pestibal na ito.
At karangalan ng Pilipinas na ang isang kababayan nating si Dante Mendoza ay maimbitahan sa selebrasyong ito.
***
Hindi maiisnab ni Dante ang isang Robert de Niro.
Kasama ang mga pelikula ni Mendoza sa kompetisyon kaya naman hindi siya nakahindi kay de Niro na personal na humiling sa kanyang pagsali sa gawaing ito ng Italian Hollywood actor.
Nagkukumahog naman si Brillante sa pag-uwi dahil nga inirerespeto niya ang mga miyembro ng MPP.
Nakakahigit ang mga Manunuri sa kritikal na pagsipat at pagkilatis sa mga kahalagahan ng isang pelikula sa pag-angat ng lipunan at sa pagtulong na maigabay ang mga manonood sa wastong pelikulang dapat panoorin.
***
Pagkatapos na pagkatapos ng Urian awards night ay nagtungo agad siya sa paliparan para makabalik sa Tribeca dahil nga nananabik si Brillante sa pagpapahalaga sa kanya ng mga internasyunal na komunidad ng mga manggagawa ng pelikula.